Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ratratan sa PBA umiinit

KOMPLETO na ang casts sa quarter­finals ng 2018 PBA Commissioner’s Cup matapos manaig ng Magnolia Hotshots at TNT KaTropa noong Biyernes ng gabi sa Araneta Coli­seum.

Lumanding sa No. 3 seed ang KaTropa na pinaluhod ang elimination topnotcher Rain or Shine Elasto Painters habang inupuan ng Hotshots ang No. 7.

Kinalos ng Pamban­sang Manok Magnolia ang defending champion San Miguel Beer sa huling laro ng 12-team single round robin elims.

Twice-to-beat ang top two teams sa quarters, ito’y ang Elasto Painters, (No. 1) at Alaska Aces, (No. 2), makakalaban nila ang No. 8 GlobalPort, (No. 8)  at Hotshots, (No.7) ayon sa pagkakasunod.

Ang ibang teams na nakapasok ay maglalaban ng best-of-three.

Nakatakdang magha­rap ang KaTropa, (No. 3) at Beermen, (No. 4) sa alas-4:30 ng hapon habang magkakaldagan sa alas-7 ang crowd favorite Ba­rangay Ginebra at Meralco Bolts.

Pinasan ng replace­ment import Wayne Chism sa huling dalawang laro ang Magnolia, sa laban nila kontra San Miguel ay nagtala ito ng 21 points, 14 rebounds at tatlong assists.

Mananatiling si former best import Chism ang sasandalan ng Magnolia sa Game 1 kontra Aces. (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Camila Osorio Alex Eala

Osorio binigo si Eala na makapasok sa semis ng Philippine Women’s Open

SA PINAGSAMANG lakas at husay, pinigil ng Colombian na si Camila Osorio, si Alex Eala …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …