Saturday , November 16 2024

Kaso vs Imee atrasado na

ATRASADO ang pasya ng House Committee on Good Government and Public Accountability na sampahan ng kaso si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos ng katiwalain kaugnay sa Tobacco Excise Tax.

Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, dapat nang hainan si Marcos ng mga kasong administratibo at kriminal kasama ang mga opisyal ng probinsiya ng Ilocos Norte sanhi ng umano’y maling paggamit ng Tobacco Excise Tax sa pagbili ng mga sasakyan sa halagang P64.4 milyon na walang bidding.

Nagpasya ang House Committee on Good Govern­ment at Public Accountability na pinamumunuan ni Surigao Del Sur District II Rep. Johnny Pimentel na ilegal ang transaksiyong ito.

Batay sa pagdinig ng komite ni Pimentel, kitang-kita umano ang katiwalian sa transaksiyon ni Marcos, ani Casilao sa isang pahayag.

Giit ni Casilao, ang tobacco excise tax ay dapat para sa mga nagsasaka at hindi para sa mga sasakyan.

Wala, umano, ni isang grupo ng mga magsasaka ng tabako kagaya ng Alyansa Dagiti Mannalon ti Ilocos Norte (Amin, Peasant Alliance in Ilocos Norte); Solidarity of Peasants Against Exploitation sa Ilocos Region (Stop EX Ilocos), Amin at Stop Ex ang nakinabang sa mga transaksiyong ito.

Ang Republic Act No. 7171 o ang batas na naka­sasaklaw nito ay nagtakda ng suporta sa tobacco farmers para gumanda ang produksiyon, magkaroon ng maayos na bentahan at paunlarin ang buhay ng mga magsasaka ng tabako.

Ayon kay Casilao, pinuna rin ng Commission on Audit (COA) si Marcos sa P21-milyong halaga ng mga pekeng bidding documents at P154 milyon na kuwesti­yonableng pagbili ng mga kagamitan noong  2017.

Ikinalungkot ni Casilao na bigo pa ang gobyerno sa pagbawi ng mga nakaw na yaman ng mga Marcos na nagkakahalaga ng US$5–10 bilyon makalipas ang tatlong dekada. (Gerry Baldo)

About Gerry Baldo

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *