Saturday , November 16 2024

Hustisya hayaang gumulong — Taguig

NAGLABAS ng pa­hayag ang pama­halaang lungsod ng Taguig kaug­nay sa isa sa mga konse­hal na nahuli dahil sa ilegal na droga.

Sa isang statement, sinabi ng lokal na pa­mahalaan ng Taguig na hayaang gumulong ang batas sa kaso ng kon­sehal na nahuli dahil umano sa drug pos­session at theft.

“Hindi namin kinu­kunsinti ang mga gani­tong klase ng insidente,” paliwanag sa statement ng Taguig ukol sa kon­sehal na nag-resign na bilang opisyal ng lung­sod.

“Hinahangaan din namin ang mga respon­sable sa naturang pag­huli.”

Malaki ang tiwala ng pamunuan ng lungsod ng Taguig sa kasalu­kuyang gobyerno lalo sa kam­panya kontra droga sa buong bansa.

“Hayaang gumulong ang batas laban sa mga nagkasala, at inaasahan natin ang matinding pagpapatupad ng batas mula sa gobyernong seryoso sa pagsawata ng krimen at ilegal na droga,” ayon sa pamu­nuan ng Taguig City.

Nasasaad din sa statement ng lungsod na ang kampanya ng na­tional government kontra ilegal na droga ay naging epektibo sa lungsod ng Taguig.

Noong 2016, ang Taguig ay naging no. 1 sa southern Metro Manila sa kampanya ng paghuli sa mga drug peddler. Mara­mi na ang naaresto, na­kulong at nasen­tensi­yahan na miyembro ng sindikatong sangkot sa droga, kasama na rito ang mga nahuli sa Top 10 list ng PNP.

Sa ilalim ni Mayor Lani, pinangunahan niya ang kampanya upang matuldukan ang talamak na droga sa Taguig sanhi ng malawakang opera­s-yon ng mga sindikato kasama na ang Tinga Drug Syndicate.

Noong 2017, isa sa mga miyembro ng Tinga Drug Syndicate na kinilalang si Elisa Tinga ang hinatulan ng habam­buhay na pagkabilanggo dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga.

Si Elisa Tinga ang pang-pitong miyembro ng Tinga drug syndicate na nahuli ng awtoridad simula pa noong 1996. Siya ang asawa ni Noel Tinga na umano’y pin­san ni dating Taguig Mayor Freddie Tinga.

“Ang kaso ng naarestong konsehal ng Taguig ay nagsisilbing paalala sa lahat na ang problema sa droga ay seryoso at patuloy na nangyayari. Kaya na­man patuloy ang lung­sod sa pagsasagawa ng mga kampanya upang mala­banan ang salot na dro­ga,” dagdag ng state­ment ng Taguig.

“Dapat lamang na maging seryoso ang pamahalaan na sugpuin ang ilegal na droga at managot ang sindi­katong ito sa batas,” saad ng statement.

Patuloy ang Taguig City sa pagpapalakas ng kampanya kontra droga sa pamamagitan ng malawak na drug-free community program. Kasama sa programang ito ang transpormasyon sa mga lulong sa pag­gamit ng droga upang sila ay maging maayos at produktibong miyem­bro ng komunidad, at ang promosyon ng Anti-Drug Abuse Advocacy ng Taguig.

“Para sa mga taong nagbebenta o gumaga­mit pa rin ng ilegal na droga, hindi pa huli ang lahat. Hinihi­kayat namin kayo na sumailalim sa programa ng lungsod upang sila ay tumino bago pa man sila mahuli ng mga ahente ng batas.”

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *