Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Batang Gilas nanalo rin

SINILAT ng Batang Gilas ang paboritong Egypt, 70-79 para sa una nitong panalo kahapon sa 13th-16th classi­fication match ng 2018 FIBA Under-17 World Cup sa Techonological University Stadium sa Sta. Fe, Argentina kahapon ng umaga.

Matapos lumamang ng 20 puntos sa unang bahagi, tumirik ang Batang Gilas sa dulo ngunit buenas na nasa panig nila ang orasan upang maka-eskapo pa rin tangan ang panalo.

Binura ng Egypt ang 19-39 kalamangan ng Batang Gilas nang lumapit hang­gang 66-67 sa huling 55 segundo matapos ang dala­wang free throws ni Omar Tarek Samir.

Ngunit tulad ng inaasa­han, binuhat ng 7’1 na si Kai Sotto ang Batang Gilas nang magpasok ng 3 sa apat na free throws bunsod ng desperadong fouls ng Egypt upang makahinga nang maluwag ang koponan sa 70-66 abanse.

Tiningnan ng Batang Gilas na pumasok ang tres ni Mazen Ibrahim sa pagtunog ng huling silbato para sa pinal na 70-69 tala.

Bunsod nito, nakalasap sa wakas ng tagumpay ang Batang Gilas matapos mabigo sa unang limang salang.

Namayani si Sotto para sa Batang Gilas sa kinayod na double-double na 28 puntos at 17 rebounds sahog pa ang 3 tapal.

Solido ang ambag ng kanyang mga kasangga sa pangunguna ni Gerry Aba­diano na may 15 puntos gayundin sina Forthsky Padrigao at Raven Cortez na may tig-10 puntos.

Ika-34 sa buong mundo, hindi nakabulag ang Batang Gilas sa group phase campaign nito sa  Pool D nang yumukod sa France, Croatia at Argentina.

Sa Round of 16 ay natam­bakan din ang Batang Gilas ng Canada, 62-102 upang mahulog sa classification matches.

May tsansa sana ang  Batang Gilas sa mas mataas na puwesto sa 9th-12th place ngunit muling nabaon ng African U-17 titlist na Mali, 59-95.

Susubukang selyohan ng Batang Gilas ang ika-13 puwesto kontra sa Oceania powerhouse na New Zealand ngayong madaling araw.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …