Tuesday , December 24 2024

69 patay sa patuloy na pag-ulan sa Japan

KURASHIKI, Japan – Umabot na sa 69 katao ang namatay sa patuloy na pag-ulan, habang 1,850 ang stranded sa western Japanese city ng Kurashiki nitong Linggo, kabilang ang 130 sa ospital, kaya ang rescuers ay gumamit ng helicopters at bangka nang umapaw ang tubig sa mga ilog.

Ang Kurashiki, na may populasyon na hindi aabot sa 500,000, ang pinakamatinding tinamaan ng torrential rains na bumayo sa ilang bahagi ng western Japan, nagdulot nang pinakamataas na bilang ng mga namatay mula nitong 2014.

Maraming pasyente, ilan ay naka-pyjama, at mga nurse ang nasagip sa Mabi Memorial Hospital at isinakay sa bangka ng mga miyembro ng Japan’s Self Defense Forces.

“I’m most grateful to rescuers,” pahayag ni Shigeyuki Asano, 79-anyos pasyente makaraan ang isang gabing walang koryente o tubig.

“I feel so relieved that I am now liberated from such a bad-smelling, dark place,” ayon kay Asano.

Ayon sa city official, 170 pasyente at mga empleyado ang inilikas mula sa ospital, at karagdagang 130 katao, kabilang ang 70 pasyente, ang naghi-hintay na sagipin.

Mapapanood sa television footage ang isinagawang malawakang rescue operation para sa 1,850 katao sa lungsod, ayon sa public broadcaster NHK. Iniulat ng Kyodo news na karamihan sa mga tao ay nasagip sa lungsod dakong 1400 JST (0500 GMT).

Ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa pag-ulan sa Japan ay umakyat na sa 69 nitong Linggo makaraan ang pagtaas ng baha na nagresulta sa paglikas ng milyong katao mula sa kanilang bahay, ayon sa media reports at Fire and Disaster Management agency.

Ang death toll ang pinaka­mataas na bilang ng water disaster simula noong 2014 na 77 katao ang namatay sa malakas na buhos ng ulan na nagdulot ng pagguho ng lupa sa Hiroshima sa western Japan.

Habang 61 ang missing, ayon sa NHK, at pinanga­ngam­bahang marami pang ulan ang bubuhos sa ilang mga erya sa susunod na araw.

Ang pag-ulan ay nagdulot nang pagguho ng lupa at pag-apaw ng tubig sa mga ilog, kaya na-trap ang mga tao sa kanilang mga bahay o sa kanilang bubong.

“We’ve never experienced this kind of rain before,” pahayag ng official ng Japanese Meteo-rological Agency (JMA) sa news conference.

“This is a situation of extreme danger.”

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *