READ: Sa Amerika: Fil-Am, 4 anak todas sa car crash
READ: Sa Italy: Pinoy patay sa saksak ng kababayan
INIULAT ng Department of Foreign Affairs nitong Linggo, humingi sila ng tulong mula sa mga awtoridad ng Iraq at Libya para sa ligtas na pagpapalaya sa limang Filipino na dinukot ng armadong kalalakihan sa magkahiwalay na insidente.
Kabilang sa mga biktima ang tatlong Filipino technicians na dinukot sa Libya noong Biyernes ng hindi natukoy na grupo mula sa waterworks project, 500 kilometers mula sa Tripoli, ayon sa DFA.
Dinukot din ng mga kidnapper ang isa pang foreign worker at apat Libyans ngunit pinalaya kalaunan.
Samantala, dalawang Filipina ang dinukot ng armadong kalalakihan mula sa kanilang sasakyan sa highway sa Uzem district sa Iraq.
Ang mga biktima ay patungo sa Baghdad kasama ng dalawang iba pang Filipina, na kalaunan ay nakatakas at ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya, ayon sa DFA.
“We are in touch with authorities in Iraq and Libya and have requested their assistance in locating and securing the release of our missing kababayan,” ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.
Hindi pa inihahayag ng DFA ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
HATAW News Team