SA mga hindi YouTube aficionado, tiyak na hindi kilala ang internet sensation na si Mikey Bustos. Millions ang kanyang followers na ang hindi alam ng nakararami ay dalawang taong naging mainstay sa Bubble Gang ngGMA-7.
Napanood siya ni Michael V. sa YouTube at nagustuhan ang kanyang pagkokomedi kaya kinuha siya.
Napanood din siya ng Taipei Department of Information and Tourism at natipuhang kunin para i-promote ang kanilang bansa.
Sa ginanap na media launch ng Fun Taipei na ginanap sa Ascott Hotel sa Makati ay nandoon si Mikey para kantahin ang sikat na Taipei song, ang My New Crushie, theme song ng 2017 Summer Universiade na nagpapakita ng kagandahang mag-travel sa nasabing bansa dahil sa masasarap na pagkain at magagandang lugar na nakapaloob sa isang music video.
Ayon kay Deputy Commissioner of Taipei City’s Department of Information and Tourism Chen Yu-hsin, si Mikey ang kauna-unahang Pinoy na kinuha para i-promote ang Taipie as Perfect City for foodies and shopaholics. Mula nang inaprubahan ng Taiwan ang Visa-Free Program para sa mga bisitang Pinoys ay umabot ng 68.59% increase kumapara sa 172, 475 Pinoys noong 2016.
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu