Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alexa Ilacad Nash Aguas NLex
Alexa Ilacad Nash Aguas NLex

Pag-uugnay kina Alexa at Nash, itigil na

SA interview ni Alexa Ilacad sa Pep.ph, sinabi niya na buwag na ang love team nila ni Nash Aguas, ang NLEX. Ikinalungkot din naman niya ang nangyari, pero mas mabuti na tapusin ang kanilang love team, kaysa patuloy silang manloko ng kanilang mga tagahanga.

“Wala na, para kasing nagkaroon kami ng personal issues, pero okay kami. Hindi kami magkaaway o magkagalit or anything. Naisip lang namin na ayaw naming manloko ng fans na kunwari super okay, smiling and all. Ayokong magpaasa, ‘tapos one day biglang makikita na lang na wala na. Parang mas heartbreaking kasi ‘yun, eh. Fan din ako,” sabi ni Alexa.

Patuloy niya, ”At saka naisip namin, to be able to work professionally, mas masaya or mas madaling mag-work kapag 100 percent okay na lang. We chose it would be better for us also individually to try new things.”

Para sa amin, mas mabuti ngang buwagin na lang ang loveteam nina Nash at Alexa. Sa napapansin kasi namin, hindi naman sumisikat ang tambalan nila. Nauna ngang ibinuild-up ng Kapamilya Network ang loveteam nila kaysa JoshLia (Joshua GarciaJulia Barretto), pero mas sumikat ang loveteam ng dalawa.

Baka ngayong hiwalay na sila as loveteam, at ibi-build up na lang ng solo, baka mas sumikat sila, na baka mas mapasin sila ng publiko, ‘di ba?

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …