HINDI nakapagtatakang itambal si Maine Mendoza kay Coco Martin sa darating na film festival kesehodang magkaiba sila ng network.
Paano naman matatanggihan ni Maine ang alok si Vic Sotto, ang nagbigay ng break sa kanya sa showbiz. Natural por respeto tatanggapin ito.
Matangkad man si Maine kay Coco, pareho naman silang mainit sa publiko.
May suggestion lang, dapat si Alden Richards naman ang kunin ni Vice Ganda para timbang ang labanan. ang problema lang, payagan kaya ng Kapuso si Alden?
SHOWBIG
ni Vir Gonzales