Sunday , April 13 2025

Riding in tandem na snatcher arestado baril at droga kumpiskado

RIDING N TANDEM! KALABOSO sa mga tauhan ni MPD PS3 commander Supt Julius Cesar Domingo ang mga suspek na Joshua Mabanag ,21 ng Natividad st Sta Cruz ; at Michael Angelo, 26 ng Quiricada Tondo nang matunton sa agarang follow-up operation sa may Kalimbas St. corner San Lazaro St. na nagsusugal ng cara y cruz ilang oras makaraang manghablot ng cellphone lulan ng isang walang plakang motorsiklo sa T.Mapua at D.Jose sa naturang lugar.
(BRIAN GEM BILASANO)

NAKALAWIT ng mga oepratiba ng Manila Police District(MPD)ang  dalawang riding in tandem habang nagsusugal ng cara y cruz ilang oras makaraang mambiktima at mang agaw ng cellphone sa isang tsinoy kamakalawa ng hapon sa Sta.Cruz Maynila.

Ayon kay MPD Station 3 commander Supt Julius Cesar Doming, dakong alas 10:15 ng umaga nang agawan ng cellphone  ng mga suspek na rising in tandem ang biktimang si Jeffrey Sy,319taga 1125 Kusang loon St.Sta.Cruz,Maynila, habang nakaupo sa labas at nagti text sa may T.Mapua St.malapit sa D.Jose St.Sta.Cruz.

Makaraan ang insidente agad na nagreklamo sa MPD-PS3 ang biktima at mabilis na sinudsod ng ang pulisya ang mga CCTV kung saan nakilala ang mga suspek at natunton ang dinaanan ng tandem .

Kasunod nito, Inatasan ni Domingo ang mga tuhan sa Alvarez PCP sa pangunguna ni C/Roy Calulot na magsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek

Nakilala ang mga suspek na sina  Joshua Mabanag ,21 ng Natividad st Sta Cruz ; at Michael Angelo, 26 ng Quiricada Tondo na natunton sa agarang follow-up operation sa may Kalimbas St. corner San Lazaro St. na nagsusugal ng cara y cruz.

Nang makita ang paparating na pulis kaagad na sumakay sa kanilang Yamaha Mio sporty na kulaynpink ang dalawang suspek pero kaagad silang napigilan ng mga pulis habang nakatakas ang dalawa pang kasamahan nila nagsusugal.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang .22 kalibre baril at dalawang sachet ng marijuana.

Hindi na nabawi ng biktima ang cellphone habang inihahanda na ang pagsasampa ng kasong robbery sa mga suspek.(BRIAN GEM BILASANO)

 

About Brian Bilasano

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *