MAY hugot ang bagong kanta ng Pambansang Bae na si Alden Richards, ang I will Be Here. isa lang ito sa laman ng kanyang lalabas na album.
Tsika ni Alden, “Minsan kasi, when realities are too painful to see or to encounter in real life, you tend to look away from it.”
Dagdag pa nito, “The message of the song is offering a shoulder to cry on, or parang I’m here for this person, group of people, na maaaring may pinagdaraanan.”
Sa paglabas ng I Will Be Here, ipinapangako niyang lagi siyang handang magpasaya ng mga taong nangangailangan, lalo na sa mga taong hindi tumigil sa pagsuporta sa kanya. Hiling din niyang mapagaan ng kanyang kanta ang loob ng mga taong may pinagdaraanan.
Maaaring i-download sa iTunes, Spotify, Amazon, at iba pang digital stores sa buong mundo ang I Will Be Here simula July 1.
MATABIL
ni John Fontanilla