Friday , November 15 2024

Confraternitas Justitiae

BUKAS ang ika-25 taon na pagkatatag ng Confraternitas Justitiae, dating Knights of the Fraternal Order of Justice, isang progresibong Kapatiran ng mga mag-aaral ng batas sa Adamson University.

Naalala ko pa kung sino-sino ang mga dumalo sa pulong nang gabing iyon sa harap ng National Press Club. Iyon ay sina Kapatid na Rolando Calara, Mario Cleto Claris, Romencio Lagrimas, Lyndon John De Leon, Santiago Escape Jr., Jose “King Gutierrez, at siyempre ang inyong lingkod. Kaharap ng ilang boteng SMB at pulutan ay pormal naming itinindig ang Kapatiran noong gabi na iyon, 5 Hulyo 1993.

Bago ko sila nahikayat na bigyan buhay ang aking proyekto para sa isang Kapatiran, ay nagkaroon muna ako ng mga paunang pulong, hindi lamang sa kanila kundi sa iba pang mag-aaral na nasa ikalawang taon ng kurso sa batas, na inilinaw ko ang layunin at prinsipyo na bibitbitin ng Kapatiran.

Masaya ako dahil tinugon nilang anim ang aking panawagan at simula noon ay humabi na ng kasaysayan ang Kapatiran.

Naalala ko pa na ang kauna-unahan nating proyekto ay pagkakaroon ng mga basurahan sa Deans Office, classrooms at sa library. Naalala ko pa kung paano ako kinausap ni Kapatid na Teresa Ablang-Lachaona sa corridor ng ikalawang palapag ng College of Law at nagpresenta na maging kauna-unahang babaeng Kapatid.

Makabuluhan din sa akin na ang unang initiation rites ng Kapatiran ay ginawa overnight sa banal na bundok ng Makiling.

Hindi ko rin nalilimutan kung paano tayo hinaras nang ilan sa mga kasabayan nating mag-aaral na barbaro sa kanilang hungkag na pagtatangka na pigilan ang paglago ng ating Kapatiran. Hindi ko nalimutan ang pagkakataon na kinailangan kong magpakita ng kilos, matapos may lumaslas ng gulong ng aking sasak­yan, upang tigilan nila tayo sa kanilang pangha­haras.

Sa awa naman ng Diyos ay nagliwanag ang kanilang isip at napagtanto siguro ang kanilang kahi­hi­natnan kung hindi tayo titigilan.

Nagpa-raffle draw din ang Kapatiran noong Pasko ng taon na iyon, nag-sponsor din ang Kapatiran ng mga symposia na ang nakuha nating tagapagsalita ay pamosong sosyolgo na si Randy David, Human Rights Lawyer Ulan Sarmiento at may isang sikat na madre na nakalimutan ko ang pangalan.

Isa ang Kapatiran sa mga tumutol noon sa pagtataas ng tuition sa unibersidad, at isa tayo sa nagprotesta sa hindi magandang trato noon sa miyembro ng LGBT community. Kung hindi ako nagkakamali, ito ‘yung batch nina Kapatid na Meldream Dizon.

‘Di ko na rin mabilang kung ilang beses nagkaroon ng outing, harapan sa inuman at kainan, at bar operations ang mga Kapatid.

Naalala ko rin kung paano pumayag na maging adviser ng Kapatiran sina Atty. Aleli Manimtim, dating konsehal ng Quezon City na si Moises Samson, si Manila Regional Trial Court Judge Reynaldo Alhambra, dating Manila City Administrator at RTC Judge Juan Nabong, at si dating Court of Appeals Justice Maximiano “Hukom Bitay” Asuncion.

Si Atty. Samson, para sa kaalaman ng lahat, ang nagbigay ng bulletin board sa ating Kapatiran.

Naging honorary member ng Kapatiran ang nasirang abogado at Political Law professor na si Agustin Organista, si dating Commission on Elections Chairman Benjamin Abalos Sr., si dating DILG Secretary Atty. Joey Lina, at naging kaibigan natin ang nasirang Criminal Law Professor na si Atty. Rodolfo Mapile, at si Atty. Juan Victor Llamas.

Naalala ko rin si Allan Cañares, na isa nang prosecutor sa Office of the Ombudsman, bilang kauna-unahang abogado ng Kapatiran.

Marami pa akong naaalala kaso kapos na tayo sa espasyo. Sayang wala ako sa ating reunion at selebrasyon para sa araw ng ating ika-25 anibersaryo. Napagkuwentohan sana natin lahat ito.

Sa aking mga Kapatid, maligayang aniber­saryo at muli nating itindig ang Kapatiran, hindi lamang sa Pamantasang Adamson, kundi lagi sa ating mga puso.

***

Pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com para sa mga balita sa ating nagbabagang panahon. Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines. Salamat po. Pasyalan n’yo rin ang pahayagang Hataw sa hatawtabloid.com kung saan lumalabas din ang Usaping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes.

USAPING BAYAN
ni Nelson Forte Flores

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *