ANG nangungunang Philippine carrier Cebu Pacific (PSE: CEB) ay pumirma ng kasunduan sa Switzerland-based IPR Conversions Ltd para i-convert ang kanilang ATR 72-500 passenger aircraft patungo sa freighter planes. Dahil dito, ang Cebu Pacific ang magiging tanging passenger airline sa Filipinas na may dedicated cargo planes.
“We will be able to offer cargo capacity that no other carrier in the Philippines can provide,” pahayag ni Lance Gokongwei, President and CEO ng Cebu Pacific, “With the freighter aircraft, we will further support the growing needs of the logistics industry, especially as the Philippines’ e-commerce businesses expand rapidly and look for faster delivery schedules.”
Inaasahan ng Cebu Pacific ang pagdating ng una sa dalawang converted aircraft sa fourth quarter ng 2018. Ang cargo aircraft ay magpapatuloy sa pag-operate sa pamamagitan ng CEB’s wholly owned subsidiary, CebGo.
Ang IPR Conversions, nakabase sa Lausanne, Switzerland, ay kabilang sa nangungunang ATR freighter conversion service providers sa mundo. Ang conversion ng dalawang CEB’s passenger ATR 72-500 aircraft patungo sa dedicated air freighters ay kabibilangan ng pagkakabit ng malaking cargo door, kaya maaari nang ikarga ang standard containers at pallets na ginagamit sa buong aviation industry.
Ang aircraft ay magkakaroon ng espasyo para sa pitong (7) AKE Unit Load Device (ULD) containers; at maaaring magkarga pa ng pitong (7) tons ng cargo.
Ang dalawang aircraft ay parehong iko-convert sa pasilidad ng Sabena Technics DNR S.A.S. sa Dinard, France. Ang Sabena ay isa sa France’s leading maintenance and modification services (MRO) providers para sa civilian and military aircraft.
Ito ang hudyat ng first foray ng Cebu Pacific sa pag-operate ng specialized aircraft patungo sa transport cargo.
Dahil sa mahabang katawan para magkasya ang higit pang mga kargada, mas malapad na pakpak, at higit na malakas na turboprop engines, ang ATR aircraft ay ideyal para sa pagbiyahe ng high-value and time-sensitive commodities katulad ng marine products, computing equipment maging heavy machinery patungo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ito ay angkop sa paglapag at paglipad mula sa airports na may runways na kukulangin sa 1.2 kilometers long — na masyadong maikli para sa jet aircraft.
Tanging one-third ng 90 airports sa Philippines ang maaaring lapagan ng jets.
Ang Cebu Pacific ay may tinatayang 50% market share para sa domestic air cargo, kasalukuyang gumagamit ng belly space ng passenger aircraft fleet nito.
Ang CEB’s cargo services ay lumalago, sa revenues na tumaas ng 29% nitong 2017, patungo sa P4.6 billion; at 26% sa first quarter ng 2018, patungo sa P1.3 billion.