Saturday , May 17 2025

Reyes kompiyansa kontra Australia

KOMPIYANSA si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na kaya nilang talunin ang Australia Boomers pagharap nila ngayong gabi sa first round ng FIBA World Cup qualifiers sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Nasa second place sa Group B ang Gilas tangan ang 4-1 record, haharapin ng Pilipinas ang Aussie sa alas-7:30 ng gabi.

Para kay Reyes mas malakas ang Australia ngayon kumpara noong una silang magkita.

Sasandalan ng Gilas ang kanilang momentum matapos nilang  kalusin ang Chinese Taipei, 93-71 noong Biyernes ng gabi sa Taipei Heping Basketball Gymnasium sa Taiwan capital.

Asahang dadagsa ang mga Pinoy fans sa Philippine Arena upang suportahan ang Nationals.

“I can’t tell the level of optimism. But there’s no quit in this team. We just keep on fighting, and we’ll see what will happen,” hayag ni Reyes.

Namuno sa opensa para sa Gilas sina JunMar Fajardo na kumana ng 22 puntos at Andrey Blatche na may double-double game matapos ilista ang 13 points, 12 rebounds, limang assists at tatlong steals habang si play­makers Terrence Romeo at Jayson Castro ay may pinagsamang 29 markers at 10 assists.

Kaya paniguradong sina Fajardo, Blatche, Romeo at Castro ang huhugutan ng lakas ng Gilas para masilo ang importanteng panalo. (ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Check Also

PCAP Chess Champions

Toledo-Xignex Trojans bida sa PCAP

SA WAKAS, nagwagi ang Toledo-Xignex Trojans sa online team chess tournament ng Professional Chess Association …

Jonathan Ng Creamline Cool Smashers Rebisco

Ng, pararangalan bilang PVL Press Corps Executive of the Year

PARARANGALAN si Jonathan Ng, Vice president at CEO ng Republic Biscuit Corporation (Rebisco) Group of …

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *