Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gilas Pilipinas vs Australia Feb 22 2018. FIBA Images

Gilas kontra Australia ngayon

NAGAWA ng Japan na talunin ang bigating Austra­lia noong nakaraang Biyer­nes.

At iyon ang nais sundan ng Gilas Pilipinas ngayon sa krusyal nilang sagupaan ng Australia para sa liderato ng Group B sa pagtatapos ng third window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Tabla ngayon sa tuktok ng Group B hawak ang parehong 4-1 kartada, ang mananalo ngayon ang hihi­ranging lider ng grupo papasok sa second round ng Asian Qualifiers para sa World Cup na gaganapin sa China sa susunod na taon.

Sasakay ang Gilas sa malaking 93-71 tagumpay kontra sa Chinese Taipei nitong nakaraang Biyernes lamang sa Taipei Heping Basketball Gymnasium u­pang makaganti sa Australia.

Magugunitang noong nakaraang Pebrero ay nalasap ng Gilas ang katangi-tangi nitong kabiguan, 68-84 kontra sa Boomers sa kani­lang homecourt sa Margaret Court Arena sa Melbourne.

Sa ngayon, ang Gilas naman ang mayroong homecourt na inaasahang magiging malaking factor lalo’t lagpas 50, 000 katao ang inaabangang dadagsa sa Philippine Arena upang suportahan ang pambansang koponan.

Ngunit hindi magiging madali iyon kaysa inaasahan lalo’t mapaghiganting Australia ang haharang sa kanilang daan.

Nasilat ang Australia nitong Biyernes sa Japan, 79-78 sa Chiba Port Arena para sa kanilang kauna-unahang kabiguan buhat ng magsanib ang FIBA Asia at Oceania noong nakaraang taon.

“They will really come like ‘wounded tigers’ into us today. So we just have to be ready. We have to come in and play our best,” ani Reyes.

Tatrangkuhan nina June Mar Fajardo at Andray Blatche kasama sina Jayson Castro at Terrence Romeo ang atake ng pambansang koponan.

Kontra sa Taipei, nagtala ng 22 puntos si Fajardo, may 13 puntos at 12 rebounds si Blatche habang may 15 at 14 puntos naman sina Castro at Romeo, ayon sa pagkaka­sunod.

Sa kabilang banda, aasa naman si head coach Andrej Lemanis kina Chris Goul­ding at Mitch Creek upang giyahan ang hangaring ma­kabalik sa winning column ng Aussies.

Inaasahan ding magpa­pasiklab lalo ang Milwaukee Bucks players na sina Mat­thew Dellavedova at Thon Maker matapos madiskaril ang kanilang Boomers debut sa kabiguan ng koponan kontra Japan.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …