WALANG ambisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na mangunyapit sa Palasyo at kumpasan ang kanyang mga alyado sa Kongreso na magsulong ng batas para mapalawig ang kanyang termino.
Ito ang inihayag kahapon ni Special Assistant to the President SAP Christopher ¨Bong¨ Go sa paggunita sa ikalawang anibersaryo ng administrasyong Duterte.
¨We don’t have ambitions of clinging to power, neither will we push for laws that would result to such,” aniya.
Ani Go, isang malinis na gobyerno ang sa tuwina’y nais ng Pangulo at napatunayan niya ito sa ilang beses na pagsibak sa mga opisyal na malapit sa kanya.
“The president will always want a clean and graft-free government and he has proven this many times by firing officials he appointed,” sabi ni Go.
Marami aniyang proyektong pang-impraestruktura at programang pangkabuhayan, mga batas na nilagdaan at ipinatupad sa loob ng dalawang taon ng administrasyon.
Dagdag niya, libre ang edukasyon mula kinder hanggang kolehiyo at may mga dagdag na programang pangkalusugan ang tinatamasa ng mahihirap mula nang maluklok sa Malacañang si Pangulong Duterte.
“This is a testament of what President Duterte clearly wants for the country and for the Filipinos,” giit ni Go.
(ROSE NOVENARIO)