EXCITED na si Nadine Lustre sa pagkakaroon ng solo movie, ang Ulan na ang magdidirehe ay ang blockbuster Director na si Irene Villamor.
First time na makakasama sa pelikula ni Nadine ang Kapamilya turn Viva artist’s na sina Xian Lim at Marco Gumabao. Pakiusap ni Nadine na sana ay ‘wag i-bash ang dalawa at suportahan ng kanilang mga tagahanga ni James Reid ang kanilang mga solo movie.
Pero hindi naman nangangahulugan na ang pagkakaroon nila ng mga solo movie ay hindi na sila muling magkakatambal na dalawa dahil may serye pa silang gagawin bago matapos ang taon at may pelikula rin silang pagsasamahan.
MATABIL
ni John Fontanilla