Thursday , April 10 2025

Tulong ni Evasco ikinasa sa dialogo sa simbahan

READ: Nota Bene: Mura, away sa pari bawal: Duterte may ‘gag order’ sa speech

READ: Pray over ‘di tatalab kay Digong — Solon

READ: Oath of office nilapastangan ng pangulo

ITINALAGA ni Pangu­long Duterte ang isa sa pinagkakatiwalaan niyang kaibigan, ang dating rebel priest na si Cabinet Secretary Leoncio “Jun” Evasco bilang ikaa­pat na miyembro ng komite na makikipag-dialogo sa Simbahang Katolika at iba pang religious groups.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, naniniwala ang Pangulo na malaki ang maitu­tulong ni Evasco sa pa­kikipag-dialogo bilang isang dating pari.)

Mas alam aniya ni Evasco ang  posisyon ng mga taga- Simbahan, ang kanilang mga saloobin at posibleng gustong maka­mit sa dialogo.

“We want closer cooperation not just on Dogmas, we want co­operation in the field of anti-drugs, on reducing poverty, on land reform, on issues that affect human beings which both the Church and the State should be involved in,” ani Roque.

Nauna nang hinirang ni Pangulong Duterte na miyembro ng komite sina Roque, Pastor “Boy” Saycon at Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Shamcey Supsup Ara Mina

Shamcey kumalas sa partido; Ara tahimik

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGBITIW na rin si Shamcey Supsup-Lee bilang kapartido ng Kaya This sa Pasig City. Bunsod ito …

Vilma Santos

Plataporma ang ilatag at ‘di pambabatikos

PUSH NA’YANni Ambet Nabus WALANG ipinagkaiba ang abogado na taga-Pasig kay Jay Ilagan ng Batangas na nanlait …

Goitia ABP

ABP Partylist, Civic-Oriented Groups Nagsanib-Pwersa Upang Kondenahin ang Ilegal na Pag-aresto ng Tsina sa 3 Pinoy

Ang Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) partylist, kasama ang anim civic-oriented na grupo na – …

Coco Martin Lito Lapid

Coco, Lito magmo-motorcade sa Cavite sa Abril 10

MAGSASAMANG muli sina Senador Lito Lapid at Direk Coco Martin matapos ang pagkamatay ni Supremo aka “Primo” sa Batang Quiapo sa …

SLP Swim League Philippines Patriots League of Champions III

Mula Grassroots Hanggang Champions: SLP Patriots, Umangat sa League of Champions III

Walang inuurungan ang Swim League Philippines (SLP) Patriots sa pangunguna ni Coach Zaldy Lara, matapos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *