Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Emma Cordero, may series of shows sa US

MATA­GUMPAY ang naging birthday concert ni Emma Cordero na ginanap last Friday sa Ka-Freddie’s Music Bar.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-celebrate si Ms. Emma ng kanyang birthday ng almost one month. Bago siya umalis ng Japan, nagkaroon din siya roon ng series of birthday concert. Dedicated niya ang lahat ng concert niya sa kanyang mga tinutulungang kabataan.

Isa sa birthday wish ni Ms. Emma na lumaki ang school niyang Our Lady of Fatima School sa San Pedro, Laguna. Nasa school na iyon ang mga scholar niya simula Nursery hanggang High School. Gusto niyang  magkaroon na rin ng kolehiyo rito para mas marami siyang mapag-aral.

Nagtungo si Ms. Emma sa Amerika noong June 27 dahil may show at fundraising  for the construction  of Filipino Cultural Center sa LA. At sa June 29, tutungo siya sa Las Vegas.

Lagari sa mga hotel sa Las Vegas si Emma dahil may show siya sa mga kababayan natin sa Nevada. May show sa ibang venue roon sa July 3, 4, 6, at sa July 8 ang balik niya sa Japan.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …