PANSAMANTALANG isinara ang wide vehicle exit lane sa Bocaue Interchange Exit ng North Luzon Expressway (NLEx) para sa regular pavement works, ayon sa NLEX Corporation.
Sa pahayag ng korporasyon nitong Huwebes, ang pagkukumpuni sa nasabing lane na pangunahing ginagamit ng mga truck na lumalabas sa Bocaue, Bulacan ay maglalaan ng “high standard of service over the long term.”
Ang ibang bahagi ng southbound Bocaue Interchange lanes ay mananatiling bukas. Gayonman, pinapayohan ng NLEx ang truckers at iba pang wide commercial vehicles na maghanap ng alternatibong ruta, dahil hindi sila maa-accomodate ng nalalabing exits.
Bukod sa pagkukumpuni ng mga kalsada, magsasagawa rin ang NLEx ng pag-aaspalto ng entry and exit ramps sa northbound at southbound ng Bocaue exits, mula 10:00 pm hanggang 4:00 pm sa sumusunod na mga petsa: June 25 to July 1: Northbound Exit Ramp; July 2 to 8: Northbound Entry; July 2 to 15: Southbound Entry; July 16 to 26: Southbound Exit Ramp.
Sinabi ng NLEx, asahan ang traffic build-up dahil ang interchange ay naroroon sa lugar isang kilometro bago ang Bocaue Toll Plaza, na ginagamit ng Manila-bound vehicles.
Bilang solusyon, sinabi ng korporasyon na sila ay maglalagay ng warning and road signs at magtatalaga ng traffic personnel para mangasiwa sa trapiko.