NANAWAGAN si Davao City Mayor at presidential daughter Inday Sara Duterte sa publiko na balewalain ang pinagsasabi ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa Biblia dahil hindi siya awtoridad sa isyu.
Sa kalatas na inilabas sa media kahapon, nakiusap si Inday Sara sa taong bayan na huwag pakinggan ang interpretasyon ng Pangulo sa Biblia o Quoran dahil hindi naman pari, pastor o imam ang Pangulo.
“Please do not listen to him interpret the bible or quoran, he is not a priest, a pastor or an imam,” anang babaeng alkalde.
Giit ng alkalde, ang kanyang ama ay Pangulo ng bansa at ang sinasabi lang niya tungkol sa trabaho ang dapat pakinggan at batikusin kung mali ang pagganap sa kanyang tungkulin at hindi ang kanyang kadaldalan.
“He is the President, listen only when he speaks about his work. And criticize him on his work not on his ‘talkkalese,’” aniya.
Hinimok ng alkalde ang lahat na huwag aksayahin ang negatibong enerhiya sa interpretasyon ng kanyang ama sa Biblia dahil opinyon niya ito at protektado alinsunod sa Saligang Batas.
“Do not waste your negative energy on his interpretation of the Bible, that is his opinion. He is protected by the Constitutional right to freedom of speech and expression even if he is President,” dagdag niya.
Idinepensa rin ng alkalde ang ama sa pagbatikos ng ilang grupo ng kababaihan, hindi aniya kontra ang Pangulo sa kababaihan bagkus ay sa pagsisinungaling ng ilang babae.
“This is the first time I will say it out loud and I hate to admit it because I love my two brothers too much but yes I am the favorite child, so that #babaeako campaign is doomed. What he doesn’t like lies not in the gender, but in the character, he has no respect for weakness. And many women and some men are known to be damsels in distress, that #babaeako included,” sabi ni Inday Sara.
Inulan ng batikos si Pangulong Duterte sa nakalipas na isang linggo nang tawagin niyang estupido ang Diyos.
(ROSE NOVENARIO)