Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Adrift, isang napakaganda at heartbreaking love story na kailangang panoorin

Ipinagmamalaking ihandog ng VIVA International Pictures ang Hollywood movie na Adrift. Hango sa libro at tunay na kuwento ni Tami Oldham Ashcraft, ito ay nagpapakita ng katatagan ng loob at kapangyarihan ng pag-ibig.

Sina Tami at Richard Sharp ay magkasintahang naglalayag sa dagat nang biglang makasalubong nila ang Hurricane Raymond, isa sa pinakamapinsalang bagyo na naitala sa kasaysayan ng mundo.

Nang magkamalay si Tami, sirang-sira na ang kanilang bangka at hindi niya makita si Richard.  Sinubukan niyang mag-radyo para humingi ng tulong, at sa kabila ng matinding takot, nagawa niyang ayusin ang anumang makakaya sa sirang bangka.  Parang isang milagro, bigla niyang nakita si Richard na palutang-lutang at walang malay.  Walang anumang tulong na maaasahan, kailangang si Tami mismo ang gumawa ng paraan para mailigtas ang sarili at ang lalaking pinakamamahal niya.

Si Tami ay ginagampanan ni Shailene Woodley (The Fault in our StarsDivergent), at si Richard ay ginagampanan ni Sam Claflin (Me Before You/The Hunger Games).

Ayon kay Aaron Kandell (Walt Disney’s Moana), isa sa mga screenwriter ng pelikulang ito, si Woodley mismo ang nasa isip nila ng kanyang kakambal na si Jordan habang isinusulat nila ang script.  Nang bisitahin nila ang tunay na Tami sa kanyang tahanan sa San Juan Islands, nakita nila ang katatagan nito at ang pagiging positibo, na katangian din ni Woodley.  Naging kaibigan nila ang aktres noong ginagawa niya ang pelikulang The Descendants.

Ayon kay Woodley, ”I was so captivated by it, by who Tami is and the love story. I really felt the energy of the divine soulmate connection between Tami and her fiancée, Richard.”  Dahil wala siyang karanasan sa paglalayag, pinag-aralan ito ni Woodley sa loob ng isang buwan sa Hawaii bago magsimula ang shooting ng pelikula.

Nakuha ni Claflin ang papel na Richard matapos nilang mag-usap sa telepono ng batikang director na si Baltasar Kormakur (Everest, The Oath).  Agad nakumbinsi ang director na si Claflin ang pinakabagay na maging Richard.

Dalawang linggong nag-ensayo sina Woodley at Claflin sa Fiji bago ang simula ng produksyon.

“It was so helpful…We really just clicked,” kwento ni Woodley tungkol sa kanyang co-star na ayon sa kanya”the hardest-working individual” na nakatrabaho niya.   Dagdag pa ng aktres, ”The elements that we were working in were not easy, shooting on a boat in open water for 14 hours. Never once did he complain.”

Sa kalagitnaan ng produksiyon, bumisita si Tami sa set, at naramdaman ng buong cast ang kanyang pagtanggap sa pelikula.  ”It was amazing to meet her finally but also, I was hyper-aware of how emotional this experience must be for her, the trauma of being stuck out at sea. My prayer is that she has found healing as well through this experience,” ani Woodley.

“One of the first things she said to me was, ‘You remind me of him (Richard) so much,’ which was really a special moment for me,” kuwento naman ni Claflin. ”Having her seal of approval was so important.”

Ginawa ang Adrift sa loob ng 49 na araw, sa Fiji at sa New Zealand.  Mapapanood ito sa mga sinehan simula kahapon, June 27.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …