Monday , December 23 2024

Dialogue sa simbahan kinasahan ni Digong

NAGBUO ng komite si Pangulong Rodrigo Duterte upang makipag-dialogo sa Simbahang Katolika at iba pang religious groups na may layuning plantsahin ang ano mang hindi pagkakaunawaan ng Palasyo at ng Simbahan.

Sa press briefing kahapon sa Davao City, inianunsiyo ni Pre­si­den­tial Spokesman Harry Roque na nagpasya ka­ma­kalawa ng gabi si Pangulong Duterte na magbuo ng komite na bubuuin niya (Roque), Foreign Affairs Under­secretary Ernesto Abella, at Pastor “Boy” Saycon, miyembro ng EDSA People Power Commis­sion.

“Iaanunsiyo ko po na itinalaga po ng Presidente ang inyong abang lingkod kasama po si Boy Saycon at saka si Usec. Ernie Abella para maging ko­mi­te na makikipag-usap at makikipag-dialogo po hindi lang sa Simbahang Katolika, kundi po sa lahat ng grupo na nais magkaroon ng dialogo sa panig po ng gobyerno. Kahapon lang po ito nadesisyonan ni Pre­sidente, at ngayong araw po nakipag-ugna­yan po ako kay Mr. Boy Saycon na simulan na ang proseso para magkaroon na ng dialogo. Siyempre po, unahin natin sa Sim­bahang Katolika baga­ma’t bukas din po ang pinto para sa Born Again churches ‘no,” ani Roque.

Ani Roque, ang ta­nong ng HATAW sa Palace press briefing noong nakalipas na linggo kung bukas sa dialogue sa Simbahang Katolika at ang panawagan ng Philippine Council for Evangelical Churches (PCEC) ang nagbukas sa isip ng Pangulo na mag­buo ng 3-man committee upang makipag-dialogo sa Simbahan at iba pang religious groups.

“Well kasi po, hu­mi­ngi ng dialogo e. Naalala ko po ang nagtanong nito si Rose Novenario sa Palace, mayroon daw proposal na magkaroon ng dialogo at tinanggap naman po ngayon ng Presidente itong dialogue. Ganyan din po iyong panawagan if I’m not mistaken, kahapon la­mang ng PCEC ‘no and which is why we’re accepting the invitation for dialogue,’ sabi ni Roque.

Noong 13 Hunyo ay  inihayag ni Fr. Jerome Secillano na laging bukas sa dialogo ang Simbahang Katolika kay Pangulong Duterte upang maresolba ang mga isyu ng Punong Ehekutibo laban sa Catholic community.

Naniniwala si Secil­lano na dapat mag­sa­lita ang Simbahan sa mga usaping panlipunan lalo na tungkol sa karahasan at patayan.

Si Secillano ang executive secretary ng Public Affairs Committee ng CBCP.

Giit ni Roque, nasabi na lahat ng Pangulo ang gustong sabihin laban sa Simbahan kaya minabuti ng Punong Ehekutibo na buksan na ang linya nang pakikipag-usap sa kanila.

“Pero ngayon po, minabuti na ni Presidente – sige, buksan ang dialogo ‘no. Siguro dahil nasabi na ni Presidente ang gusto niyang sabihin, tingnan natin kung paano mapa­pabuti ang samahan dahil iisang lipunan naman ang pinaglilingkuran ng gob­yerno at ng Sim­bahan,” dagdag ni Roque.

Ikinagalak ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Pre­sident at Davao City Archbishop Romulo Val­les ang pagbubuo ng komite ni Duterte.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *