Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Q & A ng It’s Showtime, mas bago at nakaaaliw kaysa SS ng EB!

OBVIOUS na ang pantapat ng It’s Showtime sa kalaban nitong Eat Bulaga ay ang Q & A segment to rival the latter’s Super Sireyna.

Ang kaibahan nga lang ng Q & A ay mas binibigyan ng timbang ang pagsagot sa mga tanong na ipinupukol sa mga beking kandidata.

Mula nang umpisahan ito, so far ay isa pa lang—si Juliana Segovia na taga-Pasay City—ang kampeon. Nasilat kasi kamakailan ang dapat sana’y makakalaban ni Juliana.

Ang nagwagi kasi ay isa ring komikerang bayot, si President Ganda Curtis Smith na obviously ay pinagsama ang mga pangalan ng segment hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis.

Instant superstar na rin si P. Ganda sa kanilang lugar kahit as of this writing ay nakakailang panalo pa lang siya. Nag-trending din siya sa YouTube palibhasa’y kapos man siya sa magandang hitsura’y bumabawi naman siya sa talino sa pagsagot at bilis sa pag-pick up ng  jokes.

Halata ring napabilib ni P. Ganda mismo si Vice Ganda na produkto ng stand-up comedy bar. Ayon na rin sa mga hurado’y nakatisod na naman sila ng isang comedic talent na hindi malayong mabibigyan din ng break sa showbiz.

At bakit naman hindi?

Samantala, kung kami ang tatanungin ay mas bago at mas nakaaaliw ang Q & A ng It’s Showtime kompara sa original counterpart nito, ang Super Sireyna.

Mas nangingibaw kasi ang ganda sa SS kompara sa Q & A, na para sa amin ay naglalayong iangat ang imahe ng mga bakla sa mata ng lipunan anupaman ang kanilang panlabas na anyo.

Mabuhay ang Q & A! And I thank you!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …