Monday , December 23 2024

Imprenta ng pasaporte hinikayat ibalik sa BSP

READ: P8-B kontrata ng UGEC sa e-passport kung ilegal, bakit hindi ibalik ng DFA sa BSP!? (Sino ba ang tunay na may-ari?)

LABIS ang pag-aalala ni Rep. Zaldy Manguda­datu bunsod ng talamak na pamemeke ng Philippine passports.

Sariwa pa sa alaala ni congressman Zaldy  na maraming Indonesian nationals ang nakapasok sa bansa at nakakukuha ng ‘pekeng’ Philippine passport para makapagbiyahe sa Hajj pilgrimage sa Mecca, Saudi Arabia.

READ: Wala pa rin pagbabago sa releasing ng passport

READ: DFA consular office sa Aseana bukas na kada Sabado simula 10 Pebrero 2018 (Kailan ibababa ang P1,200 bayad sa passport?)

Nabisto ‘yan nang mayroong mamatay sa Mecca at natuklasan na siya ay Indonesian national pero ang hawak niya ay Philippine passport.

Bukod diyan, sinabi ng mambabatas, hindi na dapat ipagwalang-bahala ang pagdagsa ng Indonesian nationals na may pekeng Philippine passports sa Mindanao, sa lugar na kinakitaan ng  foreign fighters na lumahok sa 5-buwan pag-atake sa Marawi.

READ: Paano nakakuha ng Filipino passports ang halos 100 Indonesians?

READ: 200-M passport scam buking (Hepe ng Muslim office ipinasisibak kay Digong)

Sa huling ulat, mahigit sa 170 Indonesian nationals na may pekeng Philippine passports ang nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng General Santos patungong Maguindanao at Sultan Kudarat.

Ayon kay Mangudadato, sila ang mga parang interesadong tao o banyaga na nagsasanay ng Muslim Filipinos kaya umano mas lalong nasisira ang imahen ng ating mga kababayan at iyong mga kapatid nating mga Muslim.

READ: 144 foreigner Hajj prilgrims huli sa NAIA (Gumamit ng PH passports)

Dahil diyan, hiniling ng mambabatas sa Department of Foreign Affairs na imbestigahan at sibakin ang mga sangkot sa pamemeke ng passports.

READ: Issues sa e-passport naresolba ba sa pulong ng APO kay ES Salvador “Bingbong” Medialdea?

At ang unang hakbang umano para maiwasan ang pamemekeng ito, ibalik sa pasilidad o ahensiya ng pamahalaan ang pag-iimprenta ng passports hindi gaya ngayon na nasa pribadong sektor.

Ilang beses na nating kinuwestiyon sa kolum nating ito kung bakit nananatili sa APO-UGEC ang pag-iimprenta ng passports. Bakit hindi ito ibalik sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)?

READ: e-Passport printing bakit nanatili sa APO-UGEC kahit maraming reklamo ng iregularidad?

READ: e-Passport printing sa APO-PU UGEC kanselahin

READ: Anti-manggagawang e-Passport kanselahin sa private contractor kung ginugulangan ang kaban ng bayan!

READ: e-Passport probe hiling ng obrero sa kongreso

READ: e-Passport ng APO-PU para sa bayan o para tubong-lugaw ang private contractor!?

READ: e-Passports ginamit na rason ng APO-PU para libreng makapag-‘world tour’?!

READ: May misdeal ba sa e-Passport contract?

Naniniwala tayo na nakapila na ito sa priority ng Department of Foreign Affairs (DFA). Hindi po ba Secretary Alan Peter Cayetano?!

READ: No show applicants & passport issuance problemang dapat ayusin ni Sec. Cayetano

Pakibalitaan po kami.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *