Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, target ni Vice Ganda para sa MMFF

IBA rin naman itong si Alden Richards kapag sinusuwerte kasi sunod-sunod ang grasyang dumarating sa kanya.

Pagpapatunay ito na kapag mabait kang tao, mahal ka ng Diyos.

Kasisimula lamang nito ng kanyang TV-serye sa Kapuso Network, ang Victor Magtanggol at may balitang siya ngayon ang tinatarget ni Vice Ganda at ng Star Cinema na makapareha ng komedyana sa kanyang pelikulang ilalahok sa darating na Pista Ng Mga Pelikulang Pilipino ngayong taong ito o Metro Manila Film Festival 2018. Masuwerte nga siya kung tutuusin dahil pagkatapos nababalitang ipapareha kay Vice Ganda ay si Dingdong Dantes para tapatan ang pelikula nina Vic Sotto at Coco Martin pero sa pinakahuling balita, siya na ang magiging leading man ng komedyante.

Sa pinakahuling balita tungkol kay Kris Aquino ay si Alden ang pinili nito sa grupo nina Daniel Padilla, Enrique Gil, James Reid at maging kay Joshua Garcia na kasama niya sa pelikulang I Love You Haters. 

Ayon sa netizens, kung matutuloy ang pagtatambal ng dalawa ay tiyak May-December love affair ang tema ng pelikula.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …