Thursday , December 26 2024

Tambay… ba-bye

MAGING si Ka Digong mga ‘igan ay nagbabala na sa mga tambay na maaaring maging potential na troublemakers sa kalsada. Ang pagbabawal sa mga tambay ay gagawin na umano sa buong bansa. Ba-bye tambay…

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde, dadamputin ang mahuhuling tambay partikular ang mga nag-iinuman sa kalye, nakahubad, at ang kumpolan lalo sa mga kritikal na area. Sadyang delikado ang ganitong sitwasyon. Mapadaan ka’t makursu­nadahan, sus, patay kang bata ka! Sa ayaw mo’t sa gusto, gulo ang haharapin mo! “The President as a Lawyer knows that if no crime has been committed, there is no basis for arrest. But just the same, he would rather that those loitering should go home so that those people with bad intentions are thwarted,” paliwanag ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque. Bakit nga ba hindi na lamang manahimik sa kani-kanilang bahay imbes tumambay, upang maging ligtas sa masasamang elemento ng lipunan, kung wala namang gagawin sa labas ng bahay… at gamitin na lamang ang oras ng pagtambay sa kapaki-pakinabang na gawain?

Sa pagkakataong ito mga ‘igan, tinitiyak ng PNP na hindi maaabuso ang karapatan ng mga mahuhuli nilang tambay. “’Yun pong mga pulis, alam natin ay covered by laws, at alam naman po nila na mayroon tayong sinusunod na police pperational procedures na lagi pong nandiyan ‘yan.

‘Yung respect for human rights ay palagi pong paramount ‘yan at alam naman po ng ating mga pulis. Over the years, nakita po natin hindi po naabuso ‘yan,” paliwanag ni P/Dir. Gen. Oscar Albayalde. Dagdag niya, sa operasyon ng PNP kontra tambay, papanagutin ang mga pulis na lalabag sa karapatang pantao tuwing operasyon. Tama lang naman mga ‘igan! Papanagutin ang mga abusadong pulis! Marami at nagkalat na kasi ang ilang tarantadong pulis!

Maging ang Malacañang mga ‘igan, tiniyak na inirerespeto ang karapatang pantao ng mga tambay. “Kasi po mayroon tayong established na mga mekanismo para protektahan ang karapatan ng kalayaan. Habeas corpus po mabilisan ‘yan at saka meron pa tayong writ of amparo ngayon. So, hindi po tayo nauubusan din ng legal remedies to deal with those who will act in excess of authority,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque. Good ‘igan!

‘Di lamang natin pansin mga ‘igan, na ang paghuli sa mga tambay ay matagal nang ipinatutupad sa buong bansa. “Wala naman pong bago don sa sinasabi ng ating Pangulo na hulihin dahil noong ako po ay Regional Director (RD) ng NCR talagang hinuhuli na po namin ‘yan,” paglilinaw ni PNP Chief Albayalde. Sa kabilang banda, paano na ang mga tambay na walang ginagawang krimen? At siyempre kapag walang ginagawang krimen ang tambay, walang sapat na batayan ang pulis na hulihin ang kahit sino sa kanila! Ito ay ginagarantiyahan ng konstitusyon at ng ating batas. “The President’s tambay remarks simply mean he wants a strict enforcement of City Ordinances as part of making our streets safe from criminals and other unscrupulous elements,” ani Sec. Roque.

So, manahimik na lamang talaga sa bahay at sumunod sa mga ipinatutupad na city ordi­nances upang makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng lugar at higit sa lahat ang kaligtasan ng sambayanan!

BARANGAY HEALTH
STATION CHAIRMAN
SANGKOT SA KURAKOT?

SA kasalukuyan mga ‘igan, humingi ng tulong ang Department of Health (DOH) sa DBM at COA para sa imbestigasyon kaugnay ng umano’y anomalya sa bilyon-bilyong pisong halaga sa pagpapatayo ng Barangay Health  Stations (BHS) sa buong bansa. Aba’y pinagkaperahan ng mga gunggong! “Heads will roll, big names, small names, past and present. There will be no sacred cows. Malalim ito mga ‘igan. Mukhang talagang may sabwatan ang tingin namin. So, kaya talagang kinakailangang very comprehensive ‘yung investigation na gagawin dito,” mariing wika ni DOH Sec. Francisco Duque III.

Ang matindi rito mga ‘igan, karamihan sa barangay health stations ay hindi pa natatapos at walang kompletong dokumento ngunit pinababayaran ng contractor sa DOH! OMG mga ‘igan!

“Posible na 270 lang ang mukhang meron talagang naitayo na building. ‘Yung iba talagang wala, either padding pa lang or pader pa lang, pero nakalista doon sa 429 na pinaba­bayaran kay Secretary,” paliwanag ni DOH Usec. Enrique Domingo. Sus, matinding katarantadohan ‘yan!

“From the PhilHealth perspective, ito ‘yung 10.6 Bilyon. Pumunta ‘yan sa Barangay Health Stations. Pero kapag tinatanong ko ang mga tao natin dito, ang sinasabi hindi, galing ho ito sa miscellaneous personnel benefit fund savings. May missing links pa rin! So ang DBM lang at ang COA ang makasasagot nito, kasi they have the power to subpoena all documents na hindi puwedeng hindi ibigay, otherwise they will be a subject of contempt,” dagdag ni DOH Sec. Duque III.

Aba’y sino-sino sa nakaraang administrasyon ang nasa likod ng pagpapatayo ng Barangay Health Stations? Pero teka, ‘di ba dapat dito’y past and present officials ang iimbestigahan kaugnay sa nasabing programa? Di biro mga ‘igan ang bilyon-bilyong pisong halagang makukurakot ‘este’ malulustay ng mga barangay health station!

Kung kaya’t masusing pag-iimbestiga ang kinakailangan, nang mapa­rusahan ang mga sangkot sa kurakot! Good Luck!

BATO-BATO BALANI
ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *