Saturday , November 16 2024
road accident

2 Pinoy patay, 3 pa sugatan sa banggaan

PATAY ang dalawang Filipino at tatlong iba pa ang sugatan nang ma­sangkot sa banggaan sa Jizan, Saudi Arabia.

Sinabi ni Consul General Edgar Badajos ng Philippine Consulate sa Jeddah, papunta sa gro­cery ang mga Filipino nang masalpok ng van ang kanilang sinasakyan noong nakaraang Huwe­bes.

Patuloy na nagpapa­galing sa ospital ang mga sugatan na nabalian ng mga buto sa binti.

Naipagbigay-alam na umano sa mga pamilya ng mga Filipino ang kani­lang sinapit maging sa kanilang pinapasukang kompanya.

Habang nangako ang konsulado na tutulong sa imbestigasyon, pagha­habol at pagsasampa ng kaso sa nakabanggaan nilang driver na isa uma­nong Saudi national.

“Kung may kasala­nan ang driver ng GMC [na nakabanggaan ng mga Pinoy], of course, meron ‘yang kaso. Maaari nating habulin. Isang tulong natin sa mga namatayan at mga na-injured ang pagtulong sa kaso na isasampa sa driver,” ayon sa opisyal.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *