Saturday , November 16 2024

P5-M shabu nasabat

UMAABOT sa P5-M milyon halaga ng hinihi­nalang shabu ang nasabat sa buy-bust operation at dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado sa Brgy. Greater Lagro sa Quezon City, nitong Sabado.

Kinilala ni Quezon City Police District direc­tor, C/Supt. Joselito Es­qu­i­vel Jr. ang mga suspek na sina Martin Morales, 21-anyos at pinsan niyang si Paulo Morales, 18-anyos.

ARESTADO ang magpinsan na sina Paulo Morales at Martin Morales makaraan makompiskahan ng P5 milyong halaga ng hini-hinalang shabu at isang .38 kalibreng baril sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng SDEU-PS5 ng QCPD sa Camaro St., Brgy. Greater Lagro, Quezon City. (ALEX MENDOZA)

Habang nakatakas ang tatlo pang mga sus­pek lulan ng isang puting van.

Inihayag ni Supt. Benjamin Gabriel, hepe ng Fairview Police Station, agad inaresto ang dalawa makaraan tanggapin ang P75,000 halaga ng buy-bust money.

Nakuha sa mga suspek ang 10 malalaking sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang 100 gramo ang bawat isa. Nakuha rin ang isang .38 kalibreng baril.

Isasailalim sa pagsu­suri ng Philippine Nation­al Police crime laboratory ang nakuhang mga ebi­densiya.

 

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *