HINILING sa Department of Justice na gisahin sa korte si gaming tycoon Kazuo Okada dahil sa paglustay ng mahigit $10 milyong pondo ng Okada Manila hotel-resort at baligtarin ang resolution na inilibas ng Parañaque City Prosecutor’s office na nagbasura sa nasabing mga kaso.
Sa magkahiwalay na motion, iginiit ng Tiger Resort Leisure & Entertainment Inc. (TRLEI), ang may-ari ng nasabing hotel resort sa Parañaque City, na ang dismissal sa reklamo at premature release o isang leakage ng mga resolutions sa kampo ni Okada ay lumabag sa karapatan nito sa due process.
Inireklamo ng TRLEI ang nasabing resolution na nauna pang lumabas sa social media accounts ng Korean girlfriend ni Okada na si Chloe Kim noong 18 Mayo na ibina-sura na ni City Prosecutor Amerhassan Paudac ang embezzlement cases ni Okada.
“The premature leakage, followed by the apparent ‘rush to release’ the assailed resolutions, coupled with the wrongful dispositions and resolution of these cases, are indicative of Paudac’s feared undue interest in the instant cases and which not only violate due process… but are grave administrative offenses,” ayon sa TRLEI.
Ipinagpalagay na ang nasabing leakage ay hindi lamang lumabag sa batas para sa public officers kundi sinisira ang kredi-bilidad, kalayaan at integridad ng resolution sa kaso gayondin sa OCP-Parañaque at maging kay Paudac.
“The leaked assailed resolution(s) itself is the smoking gun that something irregular happened in the Office of the City Prosecutor of Parañaque City, headed by Paudac,” giit ng TRLEI.
Ang kontrobersiya ang nag-udyok kay Justice Secretary Menardo Guevarra para atasan ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang mga kaganapan na may kaugnayan sa leakage ng dalawang Paudac’s resolution.
Paliwanag ng kalihim, ang paglalabas ng mga kautusan at resolution na hindi opisyal gaya ng leakage resolution ay hindi pinapayagan sa batas maliban kung may sapat na dahilan at ito ay kinakailangan at hinihingi ng pagkakataon.
Sa record, ang unang estafa case na isinampa ng TRLEI ay illegal disbursement ni Okada sa company funds na nagkakahalaga ng $3.1 milyon na itinuring na consultancy fees and salaries kahit isang buwan siyang nanungkulan bilang CEO sa pamamagitan ng kan-yang kasabwat na si Takahiro Usui, ang dating TRLEI president.
Paglilinaw ng TRLEI, ang nasabing disbursement ay hindi aw-torisado.
Ang ikalawang estafa case ay sangkot ang $7-milyong supply contract sa light emitting diode (LED) fixtures sa Okada Manila na ang naging supplier ay kompanya mismo ni Okada na Aruze Philippines Manufacturing Inc (APMI) at kasabwat ang close associate ng Japanese tycoon na si Kengo Takeda, dating Chief Technology Officer (CTO) ng TRLEI.
Umasa ang TRLEI na diringgin ng DOJ ang kanilang apela gaya aniya ng naging hakbang nila sa kontrobersiyal na drug cases nina nina Peter Lim at Kerwin Espinosa, self-confessed drug dealer.
(HNT)