PATAY ang 20-anyos lalaki makaraan saksakin ng isang construction worker habang naglalakad ang biktima kasama ang kaibigan upang sunduin ang kanyang girlfriend sa Caloocan City, kamakalawa.
Agad binawian ng buhay sa insidente ang biktimang si kinilalang si Paulo Dela Torre, residente sa Robes 1, Area 1, Camarin, Brgy. 175, sanhi ng saksak sa likod.
Habang pinaghahanap ang suspek na kinilalang si Darwin Cortez, 23, nakatira sa Pabahay 2000, Block 4, Lot 14, Sec. 25, Phase 3 ng San Jose Del Monte, Bulacan.
Batay sa ulat ng pulisya dakong 12:25 am, naglalakad sa Phase 9, Package 7A, Brgy. 176 ang biktima kasama ang kaibigang si Lui Glenn Mariano, nang biglang sumulpot ang suspek at tinarakan sa likod si Dela Torre.
(ROMMEL SALES)