NAKATAKDANG palayain ng Qatari government mula sa piitan ang 25 Filipino sa “unusual gesture of diplomacy” ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nitong Linggo.
Ikukustodiya ng Philippine officials ang nakapiit na mga Filipino ngayong Lunes bilang bahagi ng pagdiriwang ng Qatar sa Eid’l Fitr o pagtatapos ng Muslim holy month of fasting, gayondin sa nakaraang paggunita sa Araw ng Kalayaan ng Fili-pinas, ayon kay Bello.
“Unusual ito. Ordinarily, nangyayari iyan, may pinapalaya silang isa, dalawa; maximum ang tatlo. Ngayon, kataka-taka na 25 ang pinapalaya nila,” pahayag ni Bello.
Aniya, ang gobyerno ng Filipinas ang gagastos sa pagpapauwi sa mga Filipino, na pagkakalooban ng trabaho o puhunan para sa negosyo.
Dumating si Bello nitong Sabado sa Doha para sa pagdiriwang ng 120th Philippine Independence Day celebration para sa mga Filipino, at nakipagtulong sa Qatari officials, kasama ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy administrator Arnell Ignacio.
Ayon sa pagtataya ng Qatar’s Ministry of Foreign Affairs, mayroong 220,000 Filipino sa kingdom.