Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Problema ni Bam si Kris

LALONG lumiit ang tsansa na lumusot si Sen. Bam Aquino sa darating na 2019 midterm elections matapos magparamdam ang Queen of All Media na si Kris Aquino na interesado siyang sumabak sa darating na senatorial race.

Mismong si Kris ang nagpahiwatig na malamang na tumakbo siya bilang senador sa gitna ng mainit na pakikipag-away kay Pre­sidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa social media.

Ang masakit nito, kung matutuloy man ang pagtakbo ni Kris sa Senado tiyak na ang ‘ma­bibiyabit’ ay si Bam. Mahirap lumusot sa senatorial race ang dalawang magka-apelyido, at ‘yan ay pinatunayan na sa mga nagdaang eleksiyon.

At kung ang pagpipilian din lang naman ay si Kris o si Bam, tiyak na ang pipiliin ng mga botante ay si Kris. Sikat si Kris, at nakapuntos pa siya nang makipagbangayan kay Mocha.

Lalong mahirap ngayon ang sitwasyon ni Bam sa pagsulpot ni Kris sa eksena. Wala kasing maaaring sumabay na Aquino sa senatorial race kundi ang nag-iisang si Kris Aquino lang. Ang ibig sabihin, si Kris lang ang tiyak na mananalo kung tatakbo bilang senador.

Kaya nga, mukhang nagsisisi na si Bam nang sabihin niyang ang pakikipag-away ni Kris kay Mocha ay nagbigay daan sa kanyang pinsan ng malaking pagkakataong manalo sa darating na halalan. Tama ka Bam at ikaw ang maiiwan!

Sure win daw si Kris, sabi pa ni Bam. Tama pa rin si Bam, pero ang hindi niya alam, siya naman ang hindi mananalo kung tuluyang tatakbo si Kris bilang senador sa eleksiyon sa 2019. Sapat na kasi ang isang Aquino sa Senado.

Kung titingnan ang huling Pulse Asia senatorial survey, si Bam ay nasa ika-14 na puwesto. Wala sa Magic 12, at inaasahang isa siya sa reelectionist senator na malalaglag sa darating na midterm election.

Kung tutuusin, hindi naman dapat naluklok si Bam bilang senador. Wala siyang maipag­mamalaking achievement na ginawa para sa bayan kundi ang walang kahihiyang binihisan ang kanyang sarili, at sa isang iglap ay nagbalatkayo at nagmukhang si dating Senador Ninoy Aquino.

Masasabing medyo makapal itong si Bam?  Tumanda na lang na nanghihiram ng mukha kay Ninoy. Pilit na ginagamit niya si Ninoy para lamang manalo sa eleksiyon. Walang sariling estilo maliban sa panggagaya sa kilos at pagsasalita ng kanyang uncle na si Ninoy.

Hindi ako magtataka kung pati ang brief na ginagamit ngayon ni Bam ay tulad ng tatak ng brief na ginamit noon ni Ninoy.

SIPAT
ni Mat Vicencio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …