Monday , December 23 2024

GRP-NDFP peace talks kinansela ni Duterte

MAILAP pa rin ang minimithing kapayapaan sa bansa matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Du­terte na kanselahin muli ang nakatakdang peace talks sa kilusang komu­nista sa 28 Hunyo sa Oslo, Norway.

Ang pasya ay ginawa ni Duterte matapos ang joint AFP-PNP command conference sa Palasyo kamakalawa ng gabi.

Sa biglaang press conference kahapon sa Palasyo, sinabi ni Pre­sidential Adviser on the Peace Process Jesus Du­reza, nais ng Pangulo na makuha muna ng gob­yerno ang pulso ng pu­bliko at pribadong sektor sa isinusulong na usa­pang pangkapa­yapaan sa Communist Party of the Philippines – New Peo­ple’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP).

“The government peace panel in co­operation with the private sector will continue on its efforts to “engage” those who earnestly seek peace,” ayon kay Dureza.

“But it is equally im­portant that the stake­holders on the ground must also be equally engaged through consu­ltations to ensure that all those consensus points and agreements forged in  the negotiations table have palpable support from them,” dagdag niya.

Sa kabila ng pan­samantalang pagka­ba­lam ng resumption ng peacetalks, tiniyak ni Dureza na matutuloy rin ito kapag nakita na ni­lang may “enabling environment.”

Hindi idinetalye ni Dureza kung anong “enabling and conducive environment” ang hina­nap ng gobyerno para umusad muli ang peace talks sa kilusang komu­nista.

Dahil hindi na muna matutuloy ang peace talks, epektibo muli ang lahat ng warrant of arrest laban sa mga lider-komunista na bahagi ng NDFP panel .

Inilinaw  ni Dureza na hindi naman nahinto ang operasyon ng military laban sa NPA kahit may back channeling talks na ginawa, lalo pa at patuloy rin ang pag-atake ng mga rebelde  sa iba’t ibang panig ng bansa.

Noong Pebrero 2017 isinagawa ang huling formal peace talks.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *