Saturday , November 16 2024

US$10-M kasong embezzlement ‘di pa lusot si Okada

READ: Nagbasura ng drug cases nina Espinosa at Lim: Chief fiscal sibak din sa Okada case

READ: Hamon kay Guevarra : Chief fiscal sibakin sa $10-M Okada estafa cases

READ: Fiscal sibak sa US$10-M Okada estafa cases

READ: ‘Whitewash’ sa Okada case leakage pinalagan

READ: Piskal lagot sa DOJ (Sa leak ng ‘lover’ ni Okada)

READ: Piskal ipinahamak ng ‘lover’ ni Okada

HINDI pa ligtas si Japanese gaming tycoon Kazuo Okada sa US$10-milyong kasong embez­zlement o hindi awtori­sadong paglustay ng milyon-milyong dolyar na salapi ng dati nitong kompanya, kahit ibina­sura ang nasabing mga kaso sa kontrobersiyal na resolution ng Office of the City Prosecutor ng Para­ñaque.

Sinabi ni Justice Secre­tary Menardo Gue­var­ra, ang resolutions ni Parañaque City Prosecu­tor Amerhassan Paudac ay nananatiling subject for motions for reconsi­deration o petitions para iapela ng complainant na Tiger Resorts Leisure & Entertainment Inc., ang may-ari ng Okada Mani­la hotel-resort complex sa Department of Justice.

Naniniwala si Gue­varra na ang resolutions ay maaari pang maba­liktad sakaling makitaan ito ng DOJ  ng mga  basehan.

“If upon review the DOJ sees it differently, the resolutions may be set aside, reversed or modi­fied accordingly,” ayon sa DOJ chief.

Ang kontrobersiya na bumabalot sa Okada ay nabulgar nang mag-leak ang Pauda resolu­tion noong Mayo 11 dahilan para mag-takeover ang DOJ sa estafa cases ni Japanese gaming ty­coon.

Sinabi ni Guevarra na magtatalaga siya ng ba­gong state prosecutor para hawakan ang ka­so kapag nakompleto ang records mula sa Office of the City Prosecutor.

Hindi na rin mahaha­wakan ni Acting Pro­secutor General Jorge Cata­lan Jr., ang mga kaso kasunod ng petition ng Tiger Resort.

Noong Marso, inapro­bahan ni Catalan ang resolution na nagbaba­sura sa perjury charges laban kay Okada at ng dating pangulo nito na si Takahiro Usui.

Si Okada, nasa look­out Bulletin Order na inisyu ng DOJ, ay nagsilbi bilang chief executive officer ng TRLEI, ang local subsidiary ng Japanese firm na Universal Enter­rainment Corporation (UEC) ay tinanggal sa nasabing kompanya noong Hunyo 2017 at naka­suhan ng estafa.

Sa isang estafa case, inakusahan ng TRLEI si Okada ng illegal dis­burse­ment ng company funds na nagkakahalaga ng US$3 milyon dahil sa kanyang consultancy fees and salaries bilang CEO sa loob ng isang buwan at ito ay wala namang ap­proval ng board of direct­ors.

Inakusahan din ng TRLEI si Okada ng pag­lustay ng corporate funds sa pamamagitan ng ka­niyang kakutsaba na si Takahiro Usui na dating pangulo at chief operating officer na respondent din sa reklamo.

Ang isa pang estafa case ay kaugnay naman sa supply ng light emit­ting diode (LED) fixtures sa Okada Manila na contractor ang Aruze Philippines Manufact­uring Inc., na pag-aari ng gaming tycoon.

Sinasabing aabot sa US$7-milyong kontrata ang ibinigay sa APMI na ang kasabwat umano ay close associate ni Okada na si Kengo Takeda, dating Chief Technology Officer ng TRLEI.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *