SAMOT-SARI mga ‘igan ang kinakaharap ngayong mga problema ng bansa. Isa na rito ang pinag-uusapang pagtaas ng presyo ng asukal. Aba’y sadyang nagmahal ngang talaga! Ito’y dahil sa kakulangan na umano ng supply. Kung kaya’t, pinayagan na ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang pribadong sector na mag-angkat ng asukal para mapababa ang presyo nito sa merkado. Kasunod nito ang nakaambang na pagtatakda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang pagtaas ng pasahe para sa mga Transportation Network Vehicle Service (TNVS).
Sus ginoo… pahirap sa mahirap!
Sa kabilang-banda naman mga ‘igan, 78% ng mga Filipino ang nasisiyahan sa umiiral na demokrasya sa Filipinas, batay ito sa survey na ipinalabas ng Social Weather Stations (SWS). Halimbawa, ‘yaong unang pagdalo ni Ka Digong sa pagdiriwang ng “Araw ng Kalayaan” sa Kawit Kabite, sus, sinalubong ng protesta. Ngunit, hindi nagpatinag si Ka Digong sa panggugulo ng mga militante sa kanyang talumpati. “Hayaan mo lang. Freedom of speech, you can have it,” ani Ka Digong. Wow! Kinilala ng ‘mama’ ang freedom of expression ng mga rallyista. “Our Constitution guarantees freedom of the press, freedom of assembly, and free expression. So I would just advise the law enforcement to just deal with them peacefully and the maximum tolerance,” dagdag ni Ka Digong.
Sa mabilis na paglipas ng mga araw, ayon kay Ka Digong, may panibagong kalaban na naman ang bansa, matapos makalaya sa mga mananakop.
“Sadly, more than a century since our heroes liberated us from foreign subjugation, our nation seal us to face enemies that attack from within. This time, we face the modern challenges of poverty, corruption, environmental degradation, terrorism, criminality and illegal drugs,” paliwanag ni Ka Digong.
Speaking of drugs, sa totoo lang mga ‘igan, ang problema sa droga’y iniinda na rin umano ng ibang bansa sa ngayon. “You know drugs, it has become a very serious problem even for other countries. Drugs will destroy my country, do not do it, because I will destroy you, literally. Kung gusto n’yo talaga marinig, huwag ninyong sirain ang bayan ko, kasi papatayin talaga kita,” mariing sambit ni Ka Digong. Aba’y ituluyan na ‘yang mga sangkot sa droga nang matuldukan ang prehuwisyong likha nito!
Sa usaping pang-ekonomiya ng bansa, hindi umano umaasa ng himala sa ekonomiya ang P’nas. “I just want the Filipino during my time, comfortable. I’m not expecting any economic miracles, impossible. I will be humble enough to admit that I can only do so much. Pero itong droga, tatapusin ko talaga ito,” pangako ni Ka Digong. Go go go Ka Digong . . .
BARANGAY
CHAIRMAN
AARMASAN?
PERO wait, ano itong naisin ni Ka Digong, mga barangay chairman, nais n’yang armasan, bilang proteksiyon? Aba aba aba, ‘di kaya lalong lumala ang katarantadohan ng ilang gagong barangay chairman? Tulad nitong si Barangay (Santolan) Chairman Echie Ramos ng Pasig City. Aba’y matapos itratong parang hayup ang mag-inang sina Jennifer at Mac Alester Adajar, sa kamay ng kanyang tarantadong-abusadong barangay kagawad, Noli De Leon, ng Santolan Pasig City, sus deadma lang kay Chairman Ramos. Ayon sa aking ‘pipit-na-malupit,’ tao ni Chairman Ramos si kagawad De Leon, kaya’t okey lang sa kanya ang mga kagagohang pinaggagagawa ng kanyang kagawad. Paano mo bibigyan ng armas si Chairman Ramos, e delikado sa kanya ang kanyang nasasakupang barangay?
Aba aba aba… resolbahin mo muna ang pambababoy na ginagawa ni kagawad De Leon sa mag-inang Jennifer at Mac Alester Adajar! Sus, nanganganib ang buhay ng mag-ina dahil umano sa mga bantang kalakip nito! Takot at pangamba, kaya’t di makapamuhay nang maayos ang pamilya Adajar. Chairman Ramos, kaya mo bang bigyan ng leksiyon ang kagawad mong si De Leon?
O ikaw dapat ang bigyan ng leksiyon para maging maayos ang pamamalakad at pamamahala mo sa barangay mo? Paging, DILG Sec. Eduardo Año, at DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, mga Sir, kailangan pong matuldukan ang katarantadohan nitong si barangay kagawad Noli De Leon.
Isama n’yo na rin po ang walang silbing si Barangay Santolan, Pasig City Chairman Leche ‘este Echie Ramos. Sir Año at Sir Diño, dapat silang bigyan ng leksiyon nang ‘di na pamarisan pa! Masampolan sana ang ganyang klaseng lingkod-bayad ‘este lingkod-bayan.
BATO-BATO BALANI
ni Johnny Balani