SINIBAK sa puwesto ang ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa Mimaropa region dahil sa kanilang ‘mahinang’ kampanya kontra ilegal na droga.
Napag-alaman, inaprobahan mismo ng kanilang Regional Director na si C/Supt. Emmanuel Licup ang pagsibak sa 24 chiefs of police (COP), sa rekomendasyon ng oversight committee on illegal drugs.
Kabilang sa sinibak ang apat na chiefs of police ng Oriental Mindoro; Occidental Mindoro, 5; Marinduque, 1; Romblon, 5; Palawan, 8; at isa sa Puerto Princesa City.
Pinakamaraming tinanggal sa puwesto mula sa Palawan, sumunod ang Occidental Mindoro at Romblon.
Kinalampag ng regional police ang natitirang 53 chief of police sa rehiyon na ‘triplehin’ ang kanilang kampanya kontra droga.
HATAW News Team