Saturday , November 16 2024

Pasay CCP-PCP1 chief sinibak ni Eleazar

MASUSING tinitingnan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director General Guillermo Eleazar ang tila kahuhubad na saluwal ni Pasay CCP-Police Community Precinct (PCP) 1 commander S/Insp. Allan Estrada na naabutang naka-double lock ang pinto at wala sa kanyang post nitong Lunes ng madaling araw. Agad sinibak sa puwesto at pinagrereport sa opisina sa Camp Bagong Diwa, Taguig ni Eleazar si Estrada. (ERIC JAYSON DREW)

INALIS ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Chief Supt. Guillermo Eleazar sa puwesto ang hepe ng isang Police Com­munity Precinct (PCP-1) sa Pasay City.

Ito ay makaraan ang sorpresang inspeksiyon ng NCRPO chief sa tang­gapan si Chief Inspector Allan Estrada, hepe ng CCP Complex PCP-1 ng Pasay City Police kahapon ng madaling araw, ngunit hindi siya natagpuan sa kanyang tanggapan.

Bandang 1:30 am nang magsimulang mag-ikot sa ilang mga police station at police com­munity precinct (PCP) sa Metro Manila si Eleazar upang personal niyang makita ang kalagayan ng mga pulis at ng mga pasilidad nito dahil sa kasagsagan ng malakas na ulan.

Pagdating ni General Eleazar dakong 2:00 am sa PCP-1 ay nakakan­da­do ang pintuan ng opisina ni Chief Inspector Estra­da.

Ilang minutong kina­tok ni Eleazar ang silid ni Estrada ngunit wala u­ma­nong sumasagot.

Naka-double lock ang pintuan ng kuwarto at nang malaman bukas ang backdoor nito ay naka­pa­sok si Eleazar at ang ta­nging naabutan ang dala­wang baril sa mesa ha­bang ang mga bala at pi­taka ay nasa kama.

Sinabi ni SPO4 Moises Sto. Tomas, deputy ni Estrada, hindi niya alam kung nasa loob ng kuwar­to ang kanyang hepe.

Sinubukang tawagan ni Sto. Tomas si Estrada sa cellphone ngunit naka­patay ito.

Agad tinawagan ni Eleazar ang hepe ng Pa­say city police na si Senior Supt. Noel Flores upang ipaalam ang nangyari.

Ilang minuto ang naka­lipas ay dumating si Flores at sinubukan din tawagan sa telepono si Estrada ngunit naka-off pa rin ang cellphone ng huli.

Ayon kay Eleazar, hangga’t gising ang mga naka-duty na pulis ay walang problema kung matulog sa gabi ang mga hepe o PCP commander sa loob ng police station. Wala aniyang problema kung para sa pagha­handa sa trabaho kina­bu­kasan.

Bunsod nito, agad ini­utos ni Eleazar kay Senior Supt. Flores na sibakin sa puwesto si Estrada at pinagre-report sa tang­gapan ng NCRPO.

Inatasan din ni Elea­zar si Flores na magta­laga muna ng officer-in-charge (OIC) sa nasabing presinto habang nagsasa­gawa ng imbestigasyon ukol sa insidente.

Itinalaga bilang of­ficer-in-charge si S/Insp. Oscar Santos sa PCP-1, na dating hepe ng Police Community Precinct (PCP-8).

ni  JAJA GARCIA

About Jaja Garcia

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *