Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JM de Guzman Barbie Imperial Paul Salas
JM de Guzman Barbie Imperial Paul Salas

Paghihiwalay nina Barbie at Paul, ibinuking ni JM

SA interview kay JM De Guzman ng Pep.ph, nilinaw nito ang biro niya tungkol sa pagiging single ng leading lady niya sa Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi na si Barbie Imperial.

Sa guest appearance kasi ng dalawa sa PEP Live kamakailan, pabirong idineklara ni JM na single na si Barbie, na ang ibig niyang sabihin ay hiwalay na ito kay Paul Salas.

Sabi ni JM, ”Naging biruan kasi namin ‘yun ni Barbie. Nag-relate siya sa akin minsan sa taping, na parang mayroon silang pinagdaraanan, nai-share niya lang. Kasi minsan, nag-uusap din kami ng mga personal and na-share niya ‘yun, na parang nag-away yata sila ni Paul. Biniro ko lang sa PEP Live.”

Ayon pa kay JM, totoo naman na naghiwalay sina Barbie at Paul, pero naayos naman ‘yun. Okey na ulit ang relasyon ng dalawa.

“Totoo ‘yun pero naayos. Nangyayari naman ‘yun talaga.”

Samantala, masaya si JM na marami ang nagsasabing may chemistry sila on screen ni Barbie.

“Actually noong una medyo nahihirapan din kami. Noong ipino-promote pa lang namin ‘yung show, marami ang nagda-doubt doon sa age gap. Bina-bash na agad ‘di pa kami umeere. Ayun, nagbunga naman ‘yung team effort naming,” sambit pa nito.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …