Saturday , November 16 2024

Chief fiscal sibak din sa Okada case

READ: Hamon kay Guevarra : Chief fiscal sibakin sa $10-M Okada estafa cases

READ: Fiscal sibak sa US$10-M Okada estafa cases

READ: ‘Whitewash’ sa Okada case leakage pinalagan

READ: Piskal lagot sa DOJ (Sa leak ng ‘lover’ ni Okada)

READ: Piskal ipinahamak ng ‘lover’ ni Okada

NASIBAK sa US$10-mil­yong estafa cases laban kay Japanese gaming tycoon Kazuo Okada ang chief prosecutor na nag-apruba sa pagbasura ng mga kaso laban sa drug suspects na sina Kerwin Espinosa at businessman Peter Lim.

Sa isang liham kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sinabi ni Act­ing Prosecutor General Jorge Catalan, bumibitaw siya sa mga kaso mata­pos ipetisyon ng Tiger Resorts Leisure & Enter­tain­ment Inc. (TRLEI) na bitawan ang mga kaso.

Nalipat ang mga kaso sa Department of Justice mula sa Parañaque City prosecutor’s matapos ma­­paulat ang leak ng mga resolusyon sa kampo ni Okada na nag-aab­suwelto sa kanya mula sa mga kasong estafa.

“In view of the said motion, we are refraining from taking any action on these cases, much less to recommend the desig­nation of a prosecutor as acting city prosecutor of Parañaque City,” ayon sa liham ni Catalan.

”Accordingly, we leave it to the sound discretion and judgment of the Secretary of Justice to cause the issuance of a department order for the designation of a member of the National Prose­cu­tion Service as Acting City Prosecutor of Parañaque to continue the preliminary investigation of the subject cases,” dagdag niya.

Sa petisyon sa kan­yang inhibition, pinuna ng TRLEI ang pag-apruba ni Catalan kamakailan ng resolusyon na nagbaba­sura sa perjury charges laban kina Okada at ang dating president ng kom­panya noong 19 Marso.

Ang naturang desi­s-yon ay iniapela ng TRLEI sa DOJ.

“TRLEI fears that if Prosecutor Catalan were to decide the cases or choose the prosecutor who would take over the cases, they would wrongfully and unfairly suffer a similar fate as the case in Makati City…” saad sa mosyon.

Sinasabi ng June 1 letter mula sa DOJ sa mga abogado ng Tiger Resort na magtatalaga ang tang­gapan ni Guevarra ng bagong prosecutor na hahawak sa estafa cases.

Una nang inakusahan ng TRLEI si Parañaque City Prosecutor Amer­has­­san Paudac ng pag-leak sa mga resolusyon ng kanyang tanggapan na nagbabasura sa rek­lamo para sa dalawang kaso ng estafa sa malapit na kai­bi­gan ni Ok­ada na si Chloe Kim na siyang nag-post ng mga dokumento sa kanyang Facebook at Instagran noong 18 Mayo.

Sinabi ng Tiger Resort na kahit ang kanilang legal counsels ay hindi pa nakatatanggap ng mga naturang resolusyon noong 21 May.

Si Okada na subject ng lookout bulletin na inisyu ng DOJ, ay nag­silbing chief executive officer ng TRLEI, isang local subsidiary ng Japanese firm Universal Entertainment Cor­pora­tion (UEC) at may-ari at operator ng  casino resort-hotel Okada Manila, ay napatalsik sa kompanya noong Hunyo 2017 at inasunto ng estafa.

Sa unang estafa case, inireklamo ng TRLEI si Okada ng illegal dis­burse­ment ng pondo ng kompanya na umaabot sa US$3 milyon na umano’y para sa kan­yang consult­ancy fees at salaries sa loob ng isang buwan ng kanyang termino bilang CEO.

Sinabi ng TRLEI, sa loob lamang ng isang buwan ay winaldas ni Okada ang mga pondo ng kompanya sa tulong ng kasabwat na si Takahiro Usui na dating TRLEI president at chief ope­rating officer ng TRLEI at respondent din sa natu­rang kaso.

Ang pangalawang ka­so ng estafa naman ay ukol sa pagsuplay ng light emitting diode (LED) fixtures sa Okada Manila ng personal company ni Okada na Aruze Philip­pines Manufact­uring Inc (APMI).

Sinabi ng TRLEI na ang US$7-milyong sup­ply contract ay napunta sa APMI sa utos na rin ni Okada na nakipagsab­watan sa kanyang kasos­yo na si Kengo Takeda na dating Chief Technology Officer (CTO) ng TRLEI.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *