Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Warriors namumuro sa titulo

NAMUMURONG  sikwatin ng Golden State Warriors ang back-to-back titles matapos payukuin ang Cleveland Cavaliers, 110-102 kahapon sa Game 3 ng 2017-18 National Basket­ball Association, (NBA) finals.

Kumayod si Kevin Durant ng 43 points, 13 rebounds at pitong assists upang tulungan ang War­riors na ilista ang 3-0 serye at mamuro sa titulo.

Sa history ng NBA, walang nakabangon mula sa 0-3 pagkakalubog kaya naman malabo nang matu­pad ng Cavaliers  ang in­aasam na makahablot ng korona.

Muling ilalaro sa Cleve­land ang Game 4, kailangang makuha ng Cavs ang panalo upang hindi sila mawalis sa best-of-seven series.

Tumikada si Stephen Curry ng 11 points para sa Warriors habang nag-ambag sina Klay Thomp­son, Draymond Green, JaVale McGee at Jordan Bell ng tig 10 puntos.

Kumayod naman si four-time Most Valuable Player, (MVP) LeBron James ng 33 markers, 11 assists at 10 rebounds subalit kinapos pa rin para itaguyod sa panalo ang Cavaliers.

Nagtala si Cavaliers center Kevin Love ng 20 puntos at 13 rebounds habang may 15 at 13 markers sina Rodney Hood at JR Smith ayon sa pag­kakasunod. (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …