Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Standhardinger maaaring ‘di makalaro sa 3×3 World Cup

“THERE’S no guarantee.”

Iyan ang pahayag ng San Miguel prized rookie na si Christian Standhardinger nang tanungin kung makalalaro ba siya para sa Gilas Pilipinas sa nalalapit na 2018 FIBA 3×3 World Cup na magsisimula bukas sa Philippine Arena.

Kasalukuyang nagpapagaling ang 6’8 na si Standhardinger sa kanyang swollen knee injury na naging dahilan ng hindi niya paglalaro sa nakalipas na buong linggo para sa koponang Beermen sa idinaraos na 2018 PBA Commissioner’s Cup.

“I can only say day by day. I hope it doesn’t swell up more. Obviously I’m trying everything in my power to play on Saturday,” dagdag ni Standhardinger sa kanyang sitwasyon na aniya’y ginagawa ang lahat pati ng San Miguel staff upang maging handa siya sa 3×3 World Cup.

Sumailalim na si Standhardinger sa magnetic resonance imaging (MRI) test at wala namang nakitang punit sa kanyang tuhod ngunit nananatiling maga ito na dahilan kaya’t hindi siya nakalalahok sa anomang contact at on-court practices sa SMB gayondin sa Gilas.

Sa kabila nito, nangako si Standhardinger na pipilitin ang lahat sa nalalabing araw upang makapaglaro pa rin para sa bansa.

“I’ll do everything in my power to play for Gilas, to play 3×3 and to represent the country,” pagtatapos niya.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magho-host ang Filipinas ng prestihiyosong 3×3 World Cup kaya’t nagsalang ng malakas na koponan sa pangunguna ni Standhardinger na inianunsiyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas at ng PBA noong nakaraang  buwan.

Kasama ni Standhardinger sa misyong maprotektahan ang homecourt ng Filipinas sina Stanley Pringle ng Globalport gayondin sina Roger Pogoy at Troy Rosario ng Talk ‘N Text.

Masusubukan ang kilatis ng Gilas kontra sa Brazil at Mongolia bukas (Sabado) sa simula ng aksiyon sa Pool C.

Magpapahinga ang pambansang koponan sa Linggo bago sumalang ulit sa Lunes kontra naman sa Canada at Russia sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa Group Phase.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …