Saturday , November 16 2024

Piolo, ginagamit ang Ramadan sa pagpo-promote ng Marawi

WALA kaming idea sa pelikulang gagawin ni Piolo Pascual na may kinalaman sa giyera sa Marawi City. Hindi namin alam kung sinimulan na o sisimulan pa lang.

Bilang isang Muslim, hindi kami pabor sa paggamit ni Piolo sa aming fasting month, ang Ramadan na kailangan niyang maranasan ang pinagdaraanan ng mga kapatid na Muslim.

Ang fasting ay isa mga fundamentals of Islam kaya obligasyon ng bawat Muslim na gawin ito. Pero may ‘exception to the rule’ ika nga roon sa may karamdaman. Bawal din ito sa mga babaeng may monthly period.

Pero may panahong nakalilimutan mo na nagpa-fasting ka at nakainom ka ng tubig o nalunok mo ang laway mo o nakapagmura ka. Awtomatikong mawawala ang bisa ng fasting mo sa araw na ‘yon pero puwede pa ring ipagpatuloy sa susunod na araw hanggang matapos ang buwan ng Ramadan.

Sa puntong ito, natanong namin kung kailangan ba ni Piolo na mag-fasting? Magtanong-tanong na lang siya at marami na siyang malalaman tungkol sa kulturang ito ng mga Muslim. Hindi ganoon kadali ang mag-fasting kung hindi nito kaya ang hindi kumain mula sunrise to sunset. Kaya ba nitong hindi uminom ng tubig lalo pa’t sobrang init ngayon?

Alam din ba nitong bawal tumitig sa babae at lalong bawal ang makipag-sex from sunrise to sunset?

Sa ginagalawang mundo ni Piolo, hindi puwedeng wala siyang babaeng makakausap o makakahagikgikan sa buwan ng Ramadan. Kung Muslim ka, dapat magdasal ka ng limang beses sa isang araw. At dahil mapera naman ang aktor, gawin niya ang ginagawa ng mga mayayamang Muslim na nagpapakain ng mga nagpa-fasting pagdating ng Saul, ito ang oras ng pag-break ng fasting pagdating ng paglubog ng araw.

Kung kami kay Piolo, magtanong-tanong din siya dahil maraming nakapansin na pumapayat ito at ang itinuturong dahilan ay ang pagpa-fasting.

Ang tanong, may nag-utos ba sa kanya to do what the Muslims do on Ramadan?

Sa paggawa ng Marawi movie, maayos lang nitong maisalin sa wide screen, walang dahilan na hindi susuportahan ng mga Muslim worldwide.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

About Alex Datu

Check Also

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Jasmine Curtis-Smith John Lloyd Cruz Dahlia Erwna Heussaff Anne Curtis

Jasmine aminadong naiinggit kay Anne na mayroon ng Dahlia

RATED Rni Rommel Gonzales NAITANONG kay Jasmine Curtis-Smith kung ano ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Jeff Ortega sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *