Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinoy Pride 44: laban sa Leyte

MISYONG ibangon muli ang pangalan sa mundo ng boksing, pupuntiryahin ni “Prince” Albert Pagara ang WBO Intercontinental Super Bantamweight belt sa kanyang laban sa “Pinoy Pride 44: Laban sa Leyte” sa darating na Sabado (Hunyo 9) sa Maasin City Gym, Maasin City, Leyte.

Mapapanood ang naturang fight card ng ALA Promotions at ABS-CBN Sports sa ABS-CBN S+A at S+A HD sa Linggo (Hunyo 10) sa ganap na 12 nn at may replay sa primetime ng 6 pm. Samantala, mapapanood naman ng SKYcable subscribers ang laban ng LIVE sa Sabado (Hunyo 9) sa SKY Sports Pay-Per-View simula 6 pm.

Haharapin ng nakababatang Pagara (29-1; 20 KOs) si Laryea Gabriel Odoi (20-3-2, 14 KOs) ng Ghana para sa bakanteng trono sa dibisyon. Ito rin ang mismong sinturon na kanyang hinangad nang matalo siya kay Cesar Juarez ng Mexico. Sakaling manalo, maaari na muling habulin ni “Prince” ang kanyang pangarap maging kampeon sa buong mundo.

Hindi lang ang tinuturing na prinsipe ng ALA Pro­motions ang sasabak sa laban sa Sabado (Hunyo 9) dahil aakyat din ng ring ang isa sa mga sinasabing dapat panoorin na batang bok­singero ngayon, si Jeo “Santino” Santisima.

Nais ni Santisima (15-2, 13 KOs) na makilala bilang kampeon sa rehiyon sa kanyang pagharap kay Likit Chane (16-6, 10 KOs) ng Thailand para sa bakanteng WBO Oriental Super­bantam­weight na titulo. Wala pang talo sa kanyang huling anim na laban si Santisima at inaasahan ng lahat na magdidikta sa laban si “Santino.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …

ASEAN PARA Games

Pilipinas Umakyat sa Pinakamataas na Puwesto sa ASEAN Para Games Matapos Umani ng 35 Ginto

h1 NAKHON RATCHASIMA – Magkakasunod na itinala nina Para athletes Evenizer Celebrado, Cyril Cloyd Ongcoy …