Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Nakatsinelas naglalakad sa marumi at maputik na daan

Good day Señor,

S drim ko naglalakad dw ako, nakasuot lang po ako ng tsinelas at ‘yung dinaraanan ko ay marumi or maputik po, sana ay mabasa ko ito sa HATAW, wait ko po ito sa HATAW, TY call me Ms. Aquarius, ‘wag u na po ipost cell no. ko Señor.

To Ms. Aquarius,

Kung ikaw ay naglalakad nang maayos sa iyong panaginip, ito ay nagsasaad na ikaw ay mabagal na naglalakbay sa buhay ngunit steady naman ang pagsulong tungo sa iyong mithiin o mga pangarap. Ito rin ay nagpapakita na ikaw ay sumusulong sa iyong buhay sa pamamaraang naroon ang iyong kompiyansa.

Ngunit dapat din maging mapagmatyag at ikonsidera ang iyong landas na tinatahak at patutunguhan. Kung nahihirapan ka naman sa paglalakad, nagpapahayag ito ng pag-aalinlangan sa pag-usad hinggil sa ilang sitwasyon bunsod ng mga balakid at sagwil na kakaharapin o kasalukuyang hinaharap na sa iyong buhay.

Ang tsinelas naman sa iyong panaginip ay nagsasaad na ikaw ay nakadarama ng pagiging sluggish and/or insecure. Pakiramdam mo ay wala kang strong foothold sa ilang sitwasyon ng iyong buhay.

Alternatively, ito ay nagre-represent din ng domesticity, ease, comfort, and/or relaxation. Maaaring nagpapahiwatig din ito na dapat kang mag-relax o kaya naman, ikaw ay nasosobrahan sa pagre-relax sa puntong nagiging tamad ka na.

Ang putik naman sa bungang-tulog ay nagsasabi na ikaw ay posibleng nasasangkot sa ilang messy and sticky situations. Nagpapaalala rin ito sa pangangailangan ng ilang spiritual cleansing. Maaaring may suliranin, sitwasyon, o relasyon na nagpapabigat sa iyo at ikaw ay nagiging frustrated.

Maaaring may kaugnayan din ito sa mga taong naninira sa iyo at gustong mabahiran ng dumi ang iyong pagkatao.

Señor H.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …