INILISTA ni Manny Pacquiao ang huling knockout win noong 2009 kontra kay Miguel Cotto.
Puwedeng masundan na ito sa Hulyo 15 sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Puntirya ng kampo ni Pacquiao ang mukha, partikular ang panga ni Lucas Matthysse para pahalikin ito sa lona at agawin ang WBA 147-pound diadem ng Argentinean.
“Matthysse has a weak chin,” hayag ng strength and conditioning coach ni Pacquiao na si Justin Fortune sa panayam ng philboxing.com.
Naniniwala pa rin si Fortune na sa edad na 39, hindi pa lipas ang lakas at bilis ng ‘Pambansang Kamao’, tanging boksingero sa mundo na naka-eight division crown.
“He’s still a high-caliber fighter,” ani Fortune. “I don’t think there’s anyone in his division who’s faster with their hands and feet even if we concede that Manny has slowed down a few notches.”
(ARABELA PRINCESS DAWA)