ANG Filipino-Canadian workout queen na si Mitch Byrne ang opisyal na host ng nalalapit na patimpalak ng World Natural Bodybuilding Federation (WNBF) Philippines na 2018 WNBF Philippine First Amateur Championship, sa Hunyo 9 na magaganap sa Johnny B. Good sa Makati City.
Ang WNBF Philippines ay kinakatawan ni Mitch kasama ang kapwa mga international fitness guru na si Chris Byrne, na parehong kilala bilang dalawa sa pinaka-mahuhusay na Filipino-Canadian fitness icons sa North America ngayon.
Naglalayon ang Philippine affiliation ng WNBF na i- promote ang natural bodybuilding sa bansa at ipakita na hindi kailangan ng mga atleta ang steroids o iba pang mga mapanganib at ilegal na mga gamot para lumakas at gumanda ang kanilang mga katawan.
Si Mitch, na isang dating beauty queen at ngayon ay matagumpay ng gym owner, personal trainer, at professional bikini competitor ay nag-desisyon na dalhin ang organisasyon sa Pilipinas dahil alam niyang magugustuhan ng publiko ang isang kompetisyon na talaga namang drug-free at binibigyang parangal ang mga atleta para sa kanilang commitment at sacrifice sa tamang nutrisyon at consistent at natural na training.
Mula noong 1990, binibigyang halaga ng WNBF ang pinakamataas na standard sa pag-promote ng istriktong drug-tested, professionally produced bodybuilding and physique sa buong mundo. Ang backbone ng reputasyon ng WNBF ay ang istriktong pagsunod sa drug testing. Kailangang sumailalim ang mga atleta sa polygraph at ang mga papasa naman ay sasailalim sa urinalysis. Mahalaga sa organisasyon na ito na pantay-pantay ang mga atleta sa worldwide events nito.
With top foreign judges mula sa Canada at Amerika, kasama na rito sina Tina Smith at Bob Bell, na presidente at bise presidente ng WNBF, na parent organization, marami nang amazing competitors ang nais sumali mula sa bansa at sa iba’t ibang panig ng mundo. Lalahok ang mga lalaki at babaeng mga atleta mula sa sa Pilipinas at iba’t ibang panig ng daigdig sa bodybuilding, physique, figure, at bikini categories ng event na ito.