Monday , December 23 2024

Duterte inatake ng migraine

TINIYAK ng Palasyo na maayos ang kalagayan ng kalusugan ni Pangu­long Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ng Malacañang matapos ibunyag ng Pangulo na nagsusuka siya sa erop­lano bunsod ng migraine habang nasa biyahe mula sa tatlong araw na official visit sa South Korea pabalik ng Filipi­nas noong Martes ng gabi.

Ayon kay Presiden­tial Spokesman Harry Roque, walang dapat na ipag-alala ang publiko dahil normal lamang sa Pangulo ang makaranas ng migraine.

Gayonman, aminado si Roque na ito ang unang pagkakataon na inatake ng migraine ang Pangulo habang sakay ng eropla­no.

Matagal na aniyang iniinda ng Pangulo ang migraine dahil sa aksi­dente sa motorsiklo, may ilang taon na ang nakararaan.

Personal na aalamin ni Roque kung tapos nang sumailalim sa annual check-up ang Pangulo at agad ding isa­sa­publiko kung may­roon nang resulta.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *