Saturday , November 16 2024

Chief fiscal sibakin sa $10-M Okada estafa cases

READ: Fiscal sibak sa US$10-M Okada estafa cases

READ: ‘Whitewash’ sa Okada case leakage pinalagan

READ: Piskal lagot sa DOJ (Sa leak ng ‘lover’ ni Okada)

READ: Piskal ipinahamak ng ‘lover’ ni Okada

HINAHAMON si Justice Secretary Menardo Gue­varra na panindigan ang kanyang pangako na ibabalik niya ang tiwala ng publiko sa justice sys­tem sa pamamagitan ng pagsibak sa mga opisyal ng Department of Justice na pinaniniwalaang sangkot sa katiwalian.

Nais ng Okada Manila na mawala ang top prosecutor ng DOJ sa US$10-million estafa cases laban sa Japanese gaming mogul na si Kazuo Okada na ang huris­diksyon ay kinuha na ni Guevarra.

Sa isang mosyon, hiningi ng  Tiger Resorts Leisure & Entertainment Inc. (TRLEI) na mag-inhibit si Acting Prosecu­tor General Jorge Catalan na pinuno ng National Prosecution Service (NPS) sa paghawak o pag-atas sa prosecutor na mag-iimbistiga sa mga kasong estafa laban kina Okada at Takahiro Usui.

Nitong Martes ay si­na­bi ni Guevarra na kinu­ha na ng justice de­part­ment ang hurisdiks­yon sa naturang estafa cases mula sa City Prose­cut­or ng Parañaque, na naka­binbin mula pa noong isang taon.

Inatasan din niya ang National Bureau of Inves­tigation (NBI) na imbes­tiga­han ang leak ng mga resolusyon ni Parañaque City Prosecutor Amerhas­san Paudac sa social media accounts ng Korean girlfried ni Okada na si Chloe Kim bago ito opis­yal na mai-release sa mga partido.

Bilang pinuno ng NPS, sinabi ng TRLEI na si  Catalan, bilang con­current City Prosecutor rin ng Makati City, ay dapat mag-inhibit sa paghawak at pag-atas ng mga prosecutor na haha­wak sa mga kaso upang maiwasan ang mga hinala na may partiality at bias laban sa complain­ant.

Si Catalan ang nag-apruba ng pagbasura sa kasong illegal drugs laban sa negosyanteng si Peter Lim, Kerwin Espinosa at 20 iba pang mga suspek.

Ayon sa mga report, nagalit si Pangulong Duterte dahil sa pagka­kadismis sa mga illegal drugs charges. Sinabi rin sa naturang report, siya ang dahilan kung bakit napalitan si Vitaliano Aguirre II bilang  DOJ secretary.

Sa pag-inhibit ni Catalan, sinabi ng TRLEI na bilang Makati City prosecutor, nauna na siyang sumablay sa pag­basura sa criminal com­plaint for three counts of perjury laban kina Okada at Usui na kapwa respon­dent din sa mga kasong estafa na nakasampa sa Parañaque prosecutors’ office.

”TRLEI seriously doubts Catalan, if made to act in the (estafa) cases likewise involving the same parties and related issues, can act with the required objectivity and impartiality. As such, Catalan must inhibit himself from resolving the (estafa) cases or design­ating the pro­secutor who would take over the cases,” ayon sa mosyon.

Noong isang taon, nagsampa ng reklamo ang TRLEI para sa three counts of perjury laban kina Okada at Usui sa City Prosecutor of Makati City.

Ngunit noong 19 Marso 2018, sablay na ibinasura ang perjury complaint ng Office of the City Prosecutor sa tulong ng approval ni Catalan. Ito ang dahilan kung ba­kit nagsampa ang TRLEI ng petition for review sa DOJ upang kuwestiyonin ang resolusyon ni Catalan.

“To erase all doubts and to promote the ends of justice, Catalan has no other judicious recourse except to inhibit himself from the cases, if and when called to resolve the same or select the prose­cutor who would take over the case,” pahayag ng TRLEI.

Idinemanda ng TRLEI si Okada dahil sa un­authorized disburse­ments ng mahigit US$10 mil­yong pondo ng nasabing kompanya. Nahaharap din siya sa iba pang mga kaso sa South Korea, Hong Kong at Japan.

(HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *