Saturday , May 17 2025

8 Israelis, 482 Pinoys timbog sa Pampanga

ARESTADO sa mga opera­tiba ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ang walong Israeli at 482 Filipino sa Clark Freeport Zone sa Angeles City, Pampanga dahil sa umano’y panloloko ng multi-milyong dolyar sa mga biktima sa online stock trading scam.

Ang walong Israeli, at 232 lalaki at 242 babaeng Filipino ay nadakip sa sabay-sabay na operasyon nitong Martes ng umaga sa tatlong departments ng International Brandings Development Marketing, Inc. (IBD) sa Clark Freeport Zone, na kinaroroonan ng umano’y “boiler room” ng mga suspek.

INIHARAP ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde ang walong Israeli makaraan arestohin sa Clark Freeport Zone sa Angeles City, Pampanga dahil sa sinabing panloloko ng multi-milyong dolyar sa mga biktima sa online stock trading scam. (ALEX MENDOZA)

Sinabi ni PNP-ACG head, C/Supt. Marni Marcos, Jr., ang mga suspek, sina­sabing nag-o-operate bilang call center, ay nanloko ng mga biktima sa nakaraang dalawang taon at kalahati.

“Their modus operandi is like a stock trading scam, meaning they invite invest­ors through online. So again after that they will get details of your bank accounts, credit cards,” ayon sa Marcos.

Ang Filipino suspects ay nadakip sa aktong nakiki­pag-ugnayan at nagsasaga­wa ng online transaction sa foreign ‘clients’ mula sa Europe, New Zealand, Australia, South Africa at Russia,” ayon kay PNP chief, Director General Oscar Albayalde.

Ang operasyon ay nag-ugat sa mga reklamo ng Australian victims na sina Jan Theresa Bedggood, Robery Wayne Smith, Juningsih Welford at South African Barend Nichloaas Prinsloo, nagsabing sila ay nabiktima ng sinasabing online trading scam.

Ang mga suspek ay nakakukuha ng mahigit US$1-milyon kada araw mula sa kanilang foreign victims.

Kompiskado mula sa mga suspek ang ilang piraso ng digital evidence na ginagamit sa pagsasagawa ng cybercrime, karamihan ay computers, identi­fications cards, at iba’t ibang documentary evi­dence, na nagpatibay sa ale­gasyon ng online fraud engagement laban sa IDB.

“Furthermore, during the search, the accounts of the complainants were extract­ed from the Quality Assur­ance and Customer Service in Building 1 strengthening the allegation imputed against IBD to be involved in a fraudulent online tra­ding,” ayon kay Albayalde.

About hataw tabloid

Check Also

Ahtisa Manalo

Ahtisa nakakuha ng 7k votes sa Quezon (Kahit nag-withdraw na)

MATABILni John Fontanilla BAGAMAT nag-withdraw sa kanyang kandidatura bilang konsehal sa Candelaria, Quezon ang Miss …

Zia Alonto Adiong Leila de Lima Chel Diokno Sara Duterte

Sa House prosecution panel
De Lima, Diokno lalong magpapalakas sa kaso vs VP Duterte – Chairman Adiong

KOMPIYANSA si House Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation Chairman Zia Alonto …

COMELEC Vote Election

Partylist at ilang grupo nanawagan ng malawakang imbestigasyon sa halalan, at sa Miru Systems

NANAWAGAN ang ilang concerned citizens at partylist na magsagawa ang Malacañang ng isang malawakang imbestigasyon  …

VMX Karen Lopez

Missing Vivamax star lumutang na, nagpaliwanag sa socmed account

SA ANUNSIYO ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang iimbestigahan ang sinasabing pagkawala ng …

Guide Gabayan 2025 Isang Makabuluhang Paglalakbay para sa 55 Espesyal na Bata ng Itogon

Gabayan 2025: Isang Makabuluhang Paglalakbay para sa 55 Espesyal na Bata ng Itogon

Itogon, Benguet — Isang makulay at makabuluhang kabanata ang isinulat ng Gabayan 2025, ang taunang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *